Nasapo ni Jeric ang noo ng kumirot iyon, unti-unti niyang idinilat ang mga mata ng magising sa matinding sakit ng ulo. Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido niya. Ang bigat ng katawan niya, tuyong-tuyo ang lalamunan at higit sa lahat—hubad siya. Dahan-dahan siyang umupo sa kama, hinawakan ang ulo, pilit inaalala ang nangyari kagabi at bakit naka hubad siya. At asan si Viper? Napalingon siya sa paligid walang bakas ni Viper. Napaungol pa siya ng bahagya ng maalala na oo nga pala nasa men's club sila, umorder siya ng pinakamatapang na alak out of the blue basta gusto lang niyang malasing at mabilis makatulog. Na alala din niyang umorder siya ng babae para kay Viper at binigay sa kanya ang keycard, ibig sabihin may babae, may kwarto. Napatingin siya sa paligid, ito ba ang

