Dahan-dahan na nagdilat ng mata si Piper, pero agad din ipinikit ng makitang gabi na. Ngunit saglit siyang natigilan bago muling dumilat saka natulala. Madilim na ang paligid. May kaunting ilaw lang na pumapasok mula sa pagitan ng kurtina. Hindi niya alam kung anong oras na, pero ramdam niyang matagal siyang nakatuloga at hindi niya alam na nakatulog sya ng ganun katagal. Bigla siyang napabalikwas ng bangon. “Sh*t…” Bumangon siya agad at bumaba ng kama saka nag mamadaling hinanap ang sapatos niya na nasa gilid ng ilalim ng kama. Nasaan nga siya? tanong pa niya sa sarili habang inililibot ang tingin sa paligid. Nasa Manila. Oo tama nasa Manila nga pala siya kasama si Sir Jeric. Nasa bahay siya ng mga La Huerta. Tumayo na siya at inayos ang suot. Mas maayos na ang pakiramdam niya kumpar

