Pagbukas ng pinto, agad na bumungad kay Piper ang tahimik pero mabigat na hangin sa loob ng kwarto niya. Mahina lang ang ilaw, tanging bedside lamp lang ang nakabukas. Nasa kama si Jeric,nakahiga pero halatang hindi komportable. Gusot ang buhok, pawis ang noo, at kahit nakapikit ay kita ang pag-igting ng panga niya, halatang may tinitiis pa rin. Ilang oras din itong pinatulog ni Viper sa pa chop nito at nang magising naligo lang ito at muling nakatulog habang tinitiis ang sakit. “Jeric…” mahina niyang tawag. Agad napamulat si Jeric at nang makita siya na nakabalot lang sa tuwalya, basa pa ang buhok—parang may dumaan na kuryente sa buong katawan nito. Na napapikit muli ito sabay ungol. “Piper naman… seryoso ka ba?” paos ang boses nito, halos pabulong pero punong-puno ng pigil. Napahinto

