Nakatingala si Veronica sa langit, tahimik ang paligid sa labas ng maliit na bahay ng mga Guzman. Naroon si Stardust na tahimik lang na parang naka abang. Mula noon dumating siya doon na raw ang tambayan ni Stardust at nag makita nito si Piper ng dumating para itong batang nag mamartsa na parang sayang-saya ng makita si Piper. Daig din nito ang aso na basta na lang nahiga sa lupa noon na hindi nila na intindihan ang ibig sabihin kung ano man yun ang malinaw masaya itong makita si Piper na buhay at si Piper naman napaiyak pa ng makita ang malalaking sugat ni Stardust na ginawa ni Jeric noon sa sarili nitong kabayo para iligtas ang buhay niya. Napatingin sa paligid si Veronica, madilim na at malamig na ang hangin. Tanging huni ng mga kuliglig at mahinang ihip ng hangin ang maririnig. Sa gi

