Halos hindi pa tuluyang humihinto ang sasakyan sa harap ng bahay nina Piper nang bumukas na agad ang pinto at sabay pang sumilip ang tiyahin ni Piper na si Tita Lorie na siyang pansamantalang iniwan nila kanina ng umalis sila ng tumawag si Veronica kay Mang Pio. Paalis na si Mang Pio ng makita ni Jeric at sinabi naman ng biyenan na nasa panganib si Veronica sa kamay ni Kervin agad siyang sumama sakto naman dumalaw ang kapatid ni Mang Pio sa asawa na ayaw pa ng una ng biyenan pero sa paki-usap ng asawa pumayag na ang matandang lalaki na papasukin ang kapatid nitong si Larry na isang bakla. “Diyos ko po—!” Napasigaw ang tiyahin ni Piper na nasa sala, hawak pa ang pamaypay at tsaa ng makita na bumaba si Jeric na parang hirap na hirap lumakad. “Anong nangyayari—” naputol naman ang sasabihin

