Pigil ni Jeric ang ngiti habang nag lalakad sila sa tahimik na hallway ng hospital. Tanging tunog lang ng sapatos na sumasayad sa sahig ang maririnig habang naglalakad sina Jeric, Lyza, at Jared palabas ng kuwarto ni Piper na sandali niyang iniwan para ihatid ang mga magulang hanggang elevator. Nasa gitna si Jeric ng magulang niya parehong kamay niya nasa bulsa, pero hindi maitatago ang ngiting pilit niyang pinipigilan. Hanggang sa hindi na niya kinaya. “Thank you, Mom.” Napahinto si Lyza dahan-dahan siyang lumingon sa anak. “Excuse me?” Napakamot si Jeric sa batok, may halong awkward na tawa. “Alam ko po naman na ayaw mo nung idea nung una pero… you still showed up.” Tumigil si Jared sa paglalakad. Napatingin sa anak. Na ilang araw talagang hindi sila tigilan na tulungan ito sa idea na

