“Shhh… sandali lang, baby,” bulong ni Bia sa baby na umiiyak habang nag titimpla ng gatas. Tahimik ang buong La Huerta manor pero sapol ng dumating at tumira sila ng baby nila doon madalas iyak na ng sanggol niya ang maririnig sa buong manor. Ang kwartong pa rin ni Jeric ang gamit niya at ng baby niya napalayas ng magulang ni Jeric ang parents niya pero siya nanatili roon. At pilit na inilalaban ang isang bagay na alam naman niyang talo siya oras na si Jeric na ang nakaharap niya. Pero habang kaya niyang panindigan ang kasinungalingan niya gagawin niya alang-alang sa baby niya. Marahan niyang inalog ang crib after niyang isubo dito ang feeding bottle. Bahagyang huminahon ang sanggol sa pag-iyak, napabuntong-hininga si Bia. Pagod siya at puyat at higit sa lahat—naiinis na rin. Mula nang ma

