"Yes, I already told you... check the third ledger. May discrepancy doon,” seryosong sabi nito. Tumarak naman ang mata ni Piper umagang-umaga si Veronica nanaman ang kausap ni Jeric, paano ba naman gaganda ang umaga niya kung puro Veronica ang naririnig niya, kahit maganda sikat ng araw pakiramdam niya kulimlim. Hindi pa siya nag seselos ng lagay na ito na iirita lang talaga na hindi niya maintindihan. “Show it to me. Call me. Video call.” Napapikit si Piper na napanguso. Video call na naman. Siguro miss na miss na siguro nila ang isa't-isa... bakit ayaw nalang niya akong iwan, wala naman problema sa akin. Kainis! Ilang beses na niyang narinig ang boses ni Veronica mula sa cellphone ni Jeric. Kahit hindi malinaw, alam niyang ito iyon. Wala naman na tawag kay Jeric na iba palaging ito.

