Nag-slide pabukas ang pinto ng NICU, tulog pa si Piper pero pinatawag siya sa NICU kaya agad na nag tungo muna si Jeric sa NICU dahil kailangan daw siya makausap ng pedia ng anak na si Ginger. Ibinilin na muna niya sa nurse si Piper bago siya nag tungo sa NICU. Pagpasok si Jeric, sa NICU agad na bumungad sa kanya ang malakas na iyakan ng ilang baby. Agad naman siyang pinag bihis ng NICU attendant ng lab gown, facemask at hairnet ganun din ang shoe cover bago dumaan sa isang blower bago siya tuluyan na nakapasok. Mainit ang mga ilaw sa loob. May mga iyak nag sanggol na parang nag papaligsahan, may mahinang rin tunog ng mga monitor siyang na ririnig. Isa-isa niyang nakita ang mga incubator sa paligid, may ilang na walang laman at meron 3 na may maliit na buhay na pinangangalagaan sa loob

