Nakasunod ang mata ni Piper sa bawat galaw ni Veronica sa loob ng kuwarto niya, wala si Jeric. Wala rin ang mga magulang nito. Pati si ang Tatay Pio niya, pansamantalang sumama sa mga ito para silipin si Ginger sa NICU. Kaya ngayon naiwan siya. Kasama ang babaeng hindi niya maintindihan kung bakit naiirita siya kahit wala naman itong ginagawang masama. “Mas okay na daw ang inventory system,” tuloy-tuloy pa na kuwento ni Veronica habang maingat na hinihiwa ang mansanas sa maliit na tray. Mula pa kanina ito daldal ng daldal tungkol sa trabaho nito sa hacienda na parang iniyayabang nito sa kanya na magaling ito sa trabaho nito. “Pero may discrepancies pa rin sa livestock records. Mukhang matagal na siyang nangyayari, sa loob ng hacienda hindi lang na papansin dahil magaling at polido ang g

