Nagpupumiglas pa rin si Bia, sa pag pigil ni Jeric sa kanya. “Jeric! Move!” “Stop it! Bia—” “Tumabi ka! Alis diyan." Halos mapunit na ang pasensya niya habang pilit na sinusubukang lampasan si Jeric para makapasok sa kwartong pinanggalingan nito. “Alam kong nandiyan siya!” sigaw ni Bia. “Alam kong nandiyan si Piper! Lumabas ka diyan.” Mahigpit siyang hinawakan ni Jeric sa magkabilang braso. “Bia, stop it! Ano—” “Tumabi ka sabi!” sigaw nito habang pilit na kumakawala pero sa sandaling iyon. May narinig silang yabag mula sa labas ng pintuan. Pareho silang napalingon, unti-unting bumukas ang pinto at pumasok si Viper. Napamura naman sa isipan si Jeric ng makita si Piper sa pinto na natitiyak niya na sa bintana nanaman ito lumabas. Para mag mukhang kadarating lang mula sa labas. Gusot

