Mas lalong lumala ang sitwasyon sa La Huerta Estate dahil sa kagagawan ni Jeric sa pinagsasabi nito. Kung kanina ay tsismis lang ngayon, parang naging palaisipan na sa lahat kung sino ba talaga ang gusto ng amo nila. Si Viper o si Piper kung totoo ba ang kumakalat na tsismis na nakita ni Bia na nakikipagtalik si Jeric kay Piper dahil sa nakikita ng lahat kay Viper may gusto si Jeric hindi kay Piper. Kaya habang kumakalat ang balita tungkol kay Bia, sa pagbubuntis nito, at sa eskandalo ay isa pang bagay na hindi nila maintindihan na naghahatid ng kaguluhan sa tsismis na kumakalat. “Ay bakit ganon si Boss?” “Anong ibig mong sabihin?” bulong ng isa. “Tingnan mo oh! Kung makasunod kay Viper—” “Parang… hindi normal.” Napapailing ang iba habang palihim na sinusundan ng tingin ang dalawa sa

