Panay ang ngiti ni Kervin habang naglalakad sa sementong pilapil ng irrigated rice field habang kumakain ng isang hinog na bayabas na pinitas. Lumanghap pa siya ng sariwang hangin sa palayan, masarap ang naging tulog niya kagabi dahil sa magandang balitang nalaman niya na natitiyak niya na mamaya lang kakalat na din sa buong haciend. "Magandang umaga po Sir Kervin." "Magandang umaga din sa'yo Ka Tasyo, saan ang punta n'yo?" tanong ni Kervin ng mapansin ang 5 kalalakihan na sakay ng paragos na hila-hila ng baka. "Ah! Tatapusin lang po namin yung balon na pinagagawa ni Sir Jeric na gagawin libingan nung mga 45 days na manok na namatay." paliwanag ng isa. "Ah! Bakit wala na daw bang pag-asa na maligtas yung mga manok?" tanong ni Kervin. "Sabi po ni Dok Aga, wala na daw po masyado na daw

