“Sumama ka sa ’kin.” utos ni Jeric habang nag bibihis ito, iba na ang suot na T-shirt at longsleeve polo. Napasunod naman si Piper dito ng di oras kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. Iyon lang kasi ang sinabi ni Jeric bago inihahagis ang susi ng tri-cargo sa hangin at sinalo muli. Hindi pa man nakakapagpahinga si Piper mula sa kuwadra, may panibago na namang utos. Namamanhid na ang kamay niya sa sakit, tinitiis nalang talaga niya. “Saan po?” tanong niya, pilit pinapababa ang boses. “Sa bayan. May kukunin at iche-check na deliveries. Shortcut tayo.” Shortcut. Bulon ni Piper sa isip, meron bang ibang daan papuntang bayan parang ngayon lang niya iyon narinig. Sa tagal ni Piper sa La Huerta Estate, ngayon lang niya narinig ang salitang iyon mula kay Jeric. At ngayon lang din siy

