SHANAIA POV
DUMATING si Shanaia sa kanyang condo unit na pagod na pagod, Matapos kasi nyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan ay may pinuntahan pa syang dinner meeting.
Pabagsak syang umupo sa kanyang sofa habang hawak hawak ng isa nyang kamay ang nananakit nyang ulo samantala ang isa nyang kamay ay hawak pa din ang kanyang bag at cellphone, matapos makaupo ay agad nyang hinagis ang kanyang bag sa kung saan at ang kanyang cellphone naman ay nilapag nya sa kanyang center table na nasa kanyang harapan.
"My god, Di ko alam kung makakatagal pa ko sa ganito" Sabi nya sa sarili at kinuha ang kanyang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng kanyang center table at may dinayal na numero.
Riiiiiiinnggggg, Riiiiingggggg...........
Nag tatanggal sya ng kanyang 6 inch. Sandals, Nang may sumagot sa kabilang linya.
"Hello, Baby, How are you?!" Malambing na boses ng kanyang daddy ang kanyang narinig sa kabilang linya.
"Daddy, Do you really think na kailangan kong gawin to?!, Pls Dad, pls nakikiusap ako, I'm not ready yet, Hindi pa ako handa na hawakan ang mga business naten, Sumasakit yung ulo ko Dad," Reklamo nya sa kanyang daddy habang hinihilot-hilot nya parin ang kanyang sentido.
"Feeling ko.... Dad, Mag kakasakit nako, huhuhuh..." Pag iinarte nya pang sabi sa kanyang daddy.
"Napagusapan na naten to diba, Gusto mo ba talagang putulin ko ulit lahat ng savings and credit cards mo, yang condo unit mo kukunin ko sayo yan, Pati yung cars at motor mo ipapahila ko ulit yon, itatakwil na talaga kita at hinding hindi mo na makikita ang mommy mo, Yon ba ang gusto mong mangyare Shanaia" Sagot ng daddy nya sa kabilang linya na nawala ang lambing sa boses at halata nyang galit ang itsura dahil bahagya pa sya nitong tinaasan ng boses.
Bigla naman syang kinabahan sa mga narinig lalo pa ng marinig nya ang pag banggit ng kanyang ama sa mommy nya.
"Ok Dad, I'm sorry, Pagod lang ako kaya ko nasabi yon, hindi na mauulit" Hinging paumanhin nya na lang sa kanyang daddy, dahil di nya kakayanin mawala lahat ng bagay na nakakapag pasaya sa kanya, lalo na ang kanyang ina.Hinding hindi nya kakayanin na hindi ito makita.
"Buti naman naiintindihan mo, Ayoko na ulit maririnig na ayaw mo ng mag trabaho sa kompanya, Ayosin mo ang sarili mo Shanaina marami akong naririnig na kalokohan mo, Wag na wag mong kakalimutan ang mga pweding mawala sayo pag sinuway mo'ko," pag babanta pa ng kanyang daddy.
"Yes Dad, I'm sorry, Pupunta po ako bukas dyan sa mansion para bisitahin si mommy," Sabi nya sa kabilang linya.
" Ikaw ang bahala, Mag papahanda ako sa pag dating mo, We love you, My Daughter, So much, Bye," Sagot ng kanyang daddy na malambing na ulit ang boses.
"Mahal ko rin kayo ni mommy, Dad, soooo muccchhhh!!!!, Bye," Pagkasabi non ay agad nya ng pinatay ang kanyang cellphone hinagis sa kabilang sofa.
Nakakainis talaga.....!' Sabi nya na lang sa sarili at pinagpapadyak nya pa ang sahig na parang bata.
''Kung di ko lang love na love yon si daddy hindi ko talaga susundin ang gusto nya'' kausap nya sa sarili nya.
Makalipas ang ilang sandali tumayo na sya't pumunta sa kanyang kwarto at nag hubad ng kanyang damit bago nag tungo sa loob ng kanyang banyo para mag babad sa kanyang bathtub.
Umabot mahigit isang oras bago sya natapos linisin ang kanyang katawan.. kinuha nya ang kanya roba at lumabas ng banyo. Pagkalabas nya'y dumeretsyo naman agad sya sa kanyang kitchen area para kumuha ng wine at wine glass, kinuha nya na rin ang kanyang laptop at cellphone na nakalagay sa sofa, Bago pumasok ulit sya sa kanyang kwarto at dumeretsyo sa kanyang balcony at umupo sa coffee table na naroon.
Nang makaupo ay agad syang nag salin ng wine sa kanyang wine glass at sumimsim doon bago binuksan ang kanyang laptop para asikasuhin ang ilang bagay na kailngan nyang asikasuhin sa kompanya.
Habang nag titipa sa kanyang laptop narinig nyang tumunog ang kanyang cellphone, Inabot agad nya ang kanyang cellphone at sinagot iyon ng hindi manlang tinitingnan kong sino ang tumatawag.
"Hey, Shanaia, where are you!!!"
Nang marinig nya ang pamilyar na boses sa kabilang linya ay agad nyang tinigil ang ginagawa at tiningnan ang nakarehestrong pangalan na nasa cellphone nya.
" Home, Why?!" Masayang sagot nya sa kabilang linya.
"Where?, At your condo?! I'm already here in the Philippines, kadarating ko lang ngaun Shai... Let's hang out... tatawagan ko din sila Sam and Lyka," Sabi nito.
"Kadarating mo lang ngayon? My god, Ash, Mag pahinga ka kaya muna, Alam kong pagod ka sa byahe, May jetlag ka pa. Bukas na tayo mag kita kita, Don pa rin sa favorite place natin syempre," Kausap nya sa kabilang linya.
"But, I miss you guys, Soooooo Muuuucccchhhh.... Gusto ko na kayong makita ngayon, Lalo ka na," Sabi nito.
"Sobrang tagal na nating di nag kita Shai, Di mo ba ako namimiss?! Sige na pls kita na tayo" Pag pupumilit pa nito sa kanya
"O, Sige, Ganto na lang, Pumunta ka ngayon dito sa condo ko, Dito ka na mag pahinga..... Dito ka na rin kaya mag stay," Pag payag nya sa kanyang kaibigan.
"Really, Sige sige, I'm on my way, I love you talaga, See yah!, Bye...." Pag papaalam nito sa kanya at hindi na hinitay na makasagot sya at pinatay na ang tawag.
Napangiti na lang ako at napailing.
"Ang babaeng yon talaga,"
Maya maya pa'y narinig nyang may pumipindot sa lock ng door nya, kaya agad syang lumabas ng kwarto, at sinalubong ang bagong dating nyang kaibigan.
Nang makita sya nito ay agad itong nag tatatalon at patiling yumakap sa kanya.
"I miss you talaga, Sister, Muaahh!," Sabi nito at pinaghahalikan ang buong mukha nya.
" My god, Ash, Kadiri ka puro laway muna ko, Yuck's... hahahaha," Biro nya sa kaibigan.
"Ang arte ah, Hahahha," Tumatawang sagot nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.
"Sabagay may karapatang mag inarte, Look at your self, My god, Ang ganda ganda mo pa din, I think, Mas gumanda at mas sexy ka pa ngayon kesa dati, Mag sabi ka nga sakin ng totoo, Ano sekreto mo, hahahah"
"Sira ka talaga, By the way Ash, nakausap mo na ba si daddy? Nasabi mo na bang nakauwe ka na?," Tanong nya sa kaibigan.
" Oo nman, Halos lahat ng nangyayare sa buhay ko updated yon si tito, Mis na mis ko na nga rin yon eh, Silang dalawa ni tita. Sobrang laki ng utang na loob ko sa pamilya nyo Shai, Hindi ko mararating kung ano man ang meron ako ngayon ng dahil sa inyo, Ni minsan Shai, di ko naramdaman na iba ko sa inyo, Mahal na mahal ko kayo Shai, kaya di pweding makalimutan ko kayo, Mawala na lahat ng meron ako, Wag lang kayo, kasi di ko naman maabot tong meron ako ngayon kung hindi dahil sa inyo, kayo na ang pamilya ko," Naiiyak nitong sabi sa kanya.
"Ang drama ah, Tinanong lang kita kung alam ni daddy na nandito kana," Pabiro kong sabi dito.
Tumawa lang ito....
"O, sige na, Dalhin mo na yang mga gamit mo sa guest room at mag pahinga kana, Bukas na ang chika, Pag may lakas na tayo pareho," Sabi nya sa kaibigan dahil alam nyang napagod ito sa byahe maging sya ay napagod sa buong araw na trabaho sa kompanya.
"Okay, Good Night Shanaia Cuevas, Muahh!!," Paalam nito at humalik na sa pisngi nya.
"Good Night din, Sweet dream's Ashley Dela Cruz" Paalam nya na rin dito.
At Pumasok na sya sa kanyang silid at humiga sa kanyang kama para matulog na, Dahil sa pagod ay agad ding nakatulog si Shanaia.
Si Ashley Dela Cruz ay anak ng dati nyang yaya, Na namatay sa pag sabog noon sa hotel kung saan namatay ang in kanyang kakambal. Kinupkop ng daddy nya si Ashley noon dahil nga naulila ito ng dahil sa nangyaring trahedya. Hndi rin alam ng daddy kung nasaan ang ama nito.Kaya ang daddy na ang kumupkop at nag paaral dito hanggang sa makapag tapos ng pag aaral ito. Nang makatapos makapag aral ay pinasok naman nito ang pag momodelo kaya kung saan saang bansa ito napupunta. Sinusuportahan naman sya ng daddy sa mga nais nito dahil anak na talaga ang turing nito kay Ashley.
Isang taon lang ang tanda nya kay ashley, kaya nung mga bata pa sila ay mag kasundong- Magkasundo sila, Kapatid na rin ang turingan nila sa isa't isa.