CHAPTER 09

977 Words
SHANAIA POV TININGNAN ko ang repleksyon ko sa salamin ng aking walk-in closet. Nakasuot ako ng isang kulay itim na sexy long sleeve see through kaya kitang kita ang kulay itim ko ring bra sa loob tapos tenernuhan ko iyon ng makintab na kulay itim na highwaist skinny jeans, Nakasuot din ako ng kulay itim na boots na may mababang takong. Ang mahaba at tuwid na tuwid kong buhok ay hinayaan ko lang nakalugay umabot naman iyon hanggang sa aking balakang . Manipis lang din ang ginawa kong makeup sa mukha ko. Nang makuntento na ako sa itsura ay lumabas na ako ng walk-in closet. Dumeretsyo ako malapit sa pintuan palabas ng aking silid dahil doon nakalagay ang aking mga helmet. Pumili na ako ng helmet na gagamitin dahil motor ang gagamitin ko sa araw na'yon. Nang matapos makakuha ng helmet ay lumabas ng ako ng aking condo upang magtungo sa parking area kung saan nakaparada ang aking motor. Nang makarating kung saan nakaparada ang aking motor ay agad akong sumakay doon. Nakasakay nako sa motor ko ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako sa balak kong pag suot ng aking helmet. "Shai, Saan ka pupunta?," Tanong ni Ashley sa akin. " Sisimulan ko na ang balak ko," sagot ko rito. "Balak na ano?" Tanong ulit nito. Pero imbes na sagutin ay isinuot ko na ang aking helmet at binuksan na ang makina ng akin motor. Papatakbuhin ko na sana iyon ngunit pinigilan ako nito sa aking braso. Nakakunot noong tiningnan ko ang aking kaibigan. 'Bakit?!" "Ano bang balak mong gawin Shai?," Pangungulit na tanong nito. "Pupuntahan ko si Cain," Sambit ko sa kaibigan at hindi ko na hinitay na muling mag salita ito. Tinanggal ko na ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at pinaharurot ko na palayo ang aking motor. Kailangan kong mag madali baka hindi ko na maabutan si Cain sa kompanya ng mga Alpuerto! PAGKARATING ko sa building ng Alpuerto Empire ay agad kong itinigil ang aking motor sa gilid malapit sa entrace ng building. Napakaganda talaga ng gusali ng mga Alpuerto, Makikita mo talaga doon na hindi basta basta lang ang pamilya Alpuerto. Hindi pa ako nag tatagal sa lugar na iyon ng may lumabas na isang napakagwapong lalaki mula sa loob ng building, Lumapit ito sa nakaparadang kulay itim na kotse. Nang makalapit ito sa kotse ay agad itong pinagbuksan ng pinto upang makasakay sa loob. Sinimulan ko ng muling buksan ang aking makina upang masundan ang kotseng itim na papalayo na sa lugar na iyon. Mahigit isang oras din ang lumipas bago huminto ang itim na kotse sa harap ng isang condominium. Maya maya pa'y lumabas na ang lalaki mula sa sasakyan. Agad ko namang pinaandar ang aking motor papunta sa lalaki at huminto sa mismong harap nito. Nagulat naman ito sa ginawa kong pag hinto sa harap nito dahil kamuntikan ko na itong masagasaan "What the f*ck, Ang laki-laki ng kalsada dito mo pa talagang naisipang dumaan sa harap ko?!," Asik nitong sambit sa akin. Dahan dahan kong hinubad ang aking helmet kasabay rin noon ang pag bagsak ng aking mahabang buhok na parang akala mo ay nasa isa akong commercial. Bumababa ako sa motor bago sumandal doon. Pagkatapos ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa lalaki. "Oops, Sorry," Sambit ko. Nagulat ito ng makilala ako. Ngunit hindi naman ito salita, Tumitig lang ito sa mukha ko. "Hi, How are you?!," Nakangiti ko pa ring tanong rito at bahagya pa akong kumidat sa lalaki. "What do you think your doing?!" Nakakunot noong tanong nito. "Ito nakatayo,, Hindi ba halata" "Don't be sarcastic... Alam kong sinusundan mo ako," "Alam mo pala eh, Ba't nag tatanong ka pa," Lalong kumunot ang kilay nito na parang mag iisang linya ng dahil sa inis nito sa'kin. "Bakit nga... Bakit mo nga ako sinusundan?!," Nauubusan na ng pasensyang tanong nito. "Gusto ko eh," " F*ck..... Pwede ba sumagot ka ng maayos," Naiinis nitong sambit. "Alin ba ang hindi maayos sa sagot ko. Eh, totoo namang gusto kitang sundan," Bumuntong hininga ito bago tumalikod para umalis. "Wait.... Kinakamusta ka lang eh, Hindi pa nga nagiging tayo, Iiwan mo na agad ako," Pabiro kong sambit dito. Pumikit muna ito ng mariin. Bago nag salita. "Ano bang kailangan mo sa'kin,?!" Mahinahon ng sambit nito. " Ikaw," sambit ko. "Ha...!!" Nakakunot nanamang tanong nito. "May girlfriend ka na ba?," Tanong ko. "Ha... Bakit mo naman natanong," "Sagutin mo na lang tanong ko," Bumuntong hininga nanaman ito. "Meron akong girlfriend. Ano.... Pwede na ba kong umalis?!" Umiling ako. "Nagsisinungaling ka, Wala ka pang girlfriend eh," "Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako?!" "Alam ko," "At papaano mo naman nalaman?!" " Nararamdaman ko," "Nararam---," Tinikom nito ng mariin ang kanyang mga labi bago muling nagsalita. "Pakiramdam mo lang yon, Pero ang totoo may girlfriend na ako," "Sinungaling," "Hindi ako sinungaling," " Bakit sinasabi mong may girlfriend ka na, Kung hindi ka sinungaling," "May girlfriend na nga kasi ako," " Alam kong wala kang girlfriend. Nagsisinungaling ka," "Eh, Ano naman sayo kung wala akong girlfriend," Pasigaw na nitong sambit sa akin. Natigilan ito........ Lumawak naman ang pagkakangiti ko dahil sa pag-amin nito.. "Ohh.. Di'ba umamin ka din. Sabi ko na nga ba wala ka pang girlfriend eh," Sambit ko at agad kong sinuot ang hinubad kong helmet bago sumakay sa aking motor. "You'll be mine Cain.... Soon!!" Sambit kong muli rito bago binuhay ang makina ng motor. Huminto ako sa tangkang pag papaandar ng motor at muling tumingin kay Cain. "By the way, I'm Shanaia Cuevas, And don't forget, YOU ARE MINE, Baby," At hinaplos ko ito sa pisngi bago tuluyang pinaharurot ang aking motor palayo sa lugar na iyon. Naiwan namang nakaawang ang bibig ni Cain, Hindi ito makapaniwala sa narinig. Hindi naman alam ni Cain Alpuerto na mag sisimula ng gumulo ang buhay nya ng dahil sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD