CHAPTER 25

1547 Words
SHANAIA POV " HAPPY BIRTHDAY Budd's," Nakangiting bati ko kay Zack sabay abot ng regalo ko sa kanya. " Thank you budd's, Hindi ka na dapat nag abala... Having a beautiful woman like you here on my birthday.. Makes me happy already," Sabi nya sabay kindat. Natatawang napailing na lang ako sa sinabi nya. " Ate Shai, Where's kuya Cain?" Narinig kong tanong ni Issa kaya nilingon ko ito. " He's in England, 4days na sya don... But he called me earlier na pauwe na sya ng bansa para mapuntahan tong birthday boy natin," Nakangiti kong sabi at inakbayan si Zack bago ginulo ang buhok nitong nakaayos. " Hey, Don't my hair.... ilang oras kong pinaghirapan yan eh," Relamong sabi nya. Natawa naman ako ng malakas dahil kumunot ang noo nito dahil sa ginawa kong pag gulo sa buhok nya. Simula ng maging kami ni Cain naging sobrang magkasundo na kami ni Zack dahil nagtutulungan kami palaging dalawa sa pang- aasar sa kuya nya. " Okay lang yan pogi ka pa rin naman ah, Hindi naman siguro mababawasan ang mga babae mo dahil lang sa gumulo ang buhok mo," " Sige na nga... Sinabihan mo kong pogi eh," Nakangising sabi nya. " Pangit nandito ka na pala... Kanina ka pa?" Sambit ni Luiz ng makalapit ito samin. " Nope, kararating ko lang.. " Aakbayan sana ako ni Luiz pero bigla kong kinabig ni Zack palapit sa kanya at sya ang umakbay sakin. " She's mine tonight habang wala pa si kuya.... Hindi naman siguro magagalit sakin si kuya... Birthday ko naman eh, Let's go honey ipagyayabang kita sa mga friends ko," Sabi ni Zack at inilayo nako kila Luiz. " Sira ka talaga, Nakikipagusap pa sa'kin si Luiz eh," " Hayaan mo sya, Sa'kin ka lang muna ngayon..." Nakangiting sabi nya habang nakaakbay pa din sya sa balikat ko. " Guy's Asawa ko nga pala si Shanaia," Sabi nya nang makalapit kami sa table kung nasaan ang iba pa nyang mga pinsan. " Asawa ka dyan," Sabi ko sabay siko sa tyan nya. Nagtawanan naman ang mga nakaupo sa lamesa. "Aray ko naman... Mapanakit ka... kakasuhan kita..." " Edi kasuhan mo samahan pa kita.." sabi ko bago umupo sa upuang nasa harap ko. " Kakasuhan talaga kita.. Birthday ko pa man din inaaway mo ko," Sambit nya bago umupo na rin sa tabi ko at nilagay ang isang kamay sa mata na kunyari naiiyak na sya. " I'm so sorry kiddo hindi na mauulit, Stop crying na... Love ka ng mommy..," kunyaring patahan ko sa kanya. Magsasalita sana si Zack kaso biglang may tumawag sa cellphone nya.... Nang tingnan nya kung sino ang tumawag biglang sumeryoso ang mukha nya.... " Excuse me.... " Sabi nya at nagmadali ng lumayo para sagutin agad ang tawag. Pagkaalis ni Zack syang lapit naman ni Luiz at Issa sa table namin.. " Nasan na yung birthday boy?" Tanong ni Luiz habang inaabutan ako ng cocktail drinks. "Thank you," " Umalis saglit may biglang tumawag sa kanya," Chance said. " Sam, How are you,? Matagal kang hindi nagpakita samin ah," kausap ko naman kay Samantha na nasa tabi ng asawa nyang si Chance. " Sorry busy lang ako, kamusta na kayo? Where are they?," " We're fine, Si Ashley nasa Africa ngayon may photoshoot, and si Lyks naman nagbakasyon sa probinsya kasama si Bryan," tumango- tango naman sya. " Shanaia," Banggit ni Zack sa pangalan ko matapos nitong makipagusap sa cellphone at makabalik sa table namin. Napalingon ako sa kanya. Seryoso ang itsura nyang nakatitig sa mukha ko. " Budd's hindi bagay sayo maging seryoso ang pangit mo," Natatawang biro ko sa kanya. Bigla kasi akong kinabahan sa titig nya. Imbes na magsalita pinatayo nya ako at niyakap ng mahigpit na para bang may problemang dumating.... " Shai, Makinig ka sa'kin.... Tumawag sa'kin si Dad, Ang sabi nya......." Bahagyang nanginig ang boses nya. "Ang sabi nya budd's sumabog daw ang helicopter na sinasakyan ni kuya pabalik dito sa bansa," Natigilan muna ako sa sinabi nya bago mahinang tumawa..... Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa'kin. " Ang lakas mo don budd's ah, Muntik na kong maniwala sa sinabi mo," Tumatawang sabi ko. Hindi sya nagsalita.. nakatitig lang sya sakin habang may mga butil na ng luha ang dalawa mata nya. Tumingin ako sa mga kasama namin sa mesa. Seryoso silang lahat na nakatingin samin. tumawa nanaman ako. " Prank ba to... Tama na ah, hindi na ko natutuwa..." Sabi ko sa kanila bago kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cain.. Pero hindi manlang nag ring.. Tinawagan ko ulit.. wala pa rin.. Ilang beses pa akong tumawag pero wala talaga... " Bakit ayaw nya sagutin," Tatawagan ko pa sana ulit ang number ni Cain pero biglang may kumuha sa cellphone ko. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang kumuha. " Ano ba... Amina yan Sam tinatawagan ko pa si Cain eh," Mahinang sabi ko sa kanya pero tinitigan nya lang ako at umiling.. hinawakan naman ni Zack ang balikat ko. Nakita kong umiiyak na sya.. Agad kong tinanggal ang kamay nya. " Wag mo kong hawakan," Mahinang sabi ko. Nakita kong lalapitan sana ako ng iba pero bigla kong sumigaw kaya lahat ng tao sa paligid ko napatingin sa'kin... " Wag nyo kong lalapitan... Mga sinungaling kayo," Sigaw ko sa kanila bago naglakad ng mabilis para layuan sila at puntahan ang sasakyan ko. Blanko ang utak ko hindi ko alam kung ano ang dapat isipin o maramdaman... Parang may malaking bomba na nasa loob ko at gustong sumabog..... Naramdaman kung may humila sakin at niyakap ako. " He's gone," Boses ni Luiz iyon. Napapikit ako... Pakiramdam ko hindi ako makahinga.. Sumisikip ang dibdib ko.. " Cry honey.... Just cry.. I'm here for you," Parang bigla na lang sumabog ang nasa loob ko dahil sa narinig ko kaya napahagugol ako ng malakas. " Ssi- Si Ca-cain...," Humihikbing sabi ko. " Ssssssh, I know.. i know... Just cry honey," Narinig kong sabi nya kaya mas umiyak pa ako ng malakas.. hinigpitan nya naman ang yakap nya sa'kin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak ng umiyak habang yakap nya... Marahan ko sya itinulak para matanggal ang pagkakayakap nya sakin. " I want to go home.." Humihikbing sabi ko. " Okay, Ihahatid na kita," Narinig kong sabi nya at hinalikan nya ako sa noo bago inalalayang maglakad papunta sa sasakyan. ******* NAKAUPO ako sa sahig at nakasandal sa sofa habang umiinom ng alak....kanina pa ako nakatitig sa nakabukas na tv pero ni isa wala akong naintindihan sa palabas dahil nakatulala lang ako. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas simula nang malaman kong sumabog ang helicopter na sinakyan ni Cain. " Hey, Nag iinom ka nanaman... Kumain ka na ba?" Napalingon ako sa nagsalita.. It was Luiz.. Lagi ako nitong pinupuntahan simula ng ihatid ako nito dito condo ko noong araw na nabalitaan namin yung about kay Cain... Actually, hindi lang naman sya ang laging pumupunta.. Even my father and friends pinupuntahan palagi ako.. Si Ashley nga gustong mag stay ulit dito sa condo ko pero tumanggi ako... Si Zack ilang beses na pinuntahan ako pero hindi ko sya hinarap kasi mas nasasaktan ako kapag nakikita ko sya... Malaki kasi ang pagkakahawig nya kay Cain. Umiling lang ako.. " Sabi ko na nga ba.. Here nag dala ako ng favorite mong pulutan.." Sabi nya at nilapag sa center table ang dalawang plastik na hawak nya. Ang isang plastik ay may lamang isang bucket na fried chicken at ang isang plastik naman ay puno ng beer in can. " Thank you, the best ka talaga.." Ngumiti lang sya at inayos ang pagkakatali ng buhok ko dahil sobrang gulo non na para bang sinabunutan ako ng sampung tao bago nya sinimulang ilabas ang mga binili nya. Napatitig ako sa gwapong mukha nya.... " Luiz...." " Mmmh, " " Thank you for always here for me.." Tumigil sya sa ginagawa nya at umupo din sa sahig para tabihan ako. " Hindi mo kailangan mag pasalamat sakin... Masaya ako na palagi akong nasa tabi mo.." Nakangiting sabi nya at pinagpatuloy ang ginagawa.. kumuha sya ng leg part sa bucket at inabot sakin yon. " Mamulutan ka muna bago mag inom ng mag inom.." " Iinom ka din..?!" " Of course, Lasingero din ako eh, remember...!" Natatawang sabi nya. Ngumiti lang ako bago sinimulang kainin ang binigay nya... Ilang oras din kaming nag inuman bago sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.... Bumibigat nanaman kasi ang pakiramdam ko. " Luiz, Nasasaktan pa rin ako...," Naiiyak kong sabi sa kanya. " I know..." he said and kissed me on my forehead. " Luiz.. Mawawala ba tong sakit na nararamdaman ko?!," Tanong ko sa kanya at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Niyakap nya ako ng mahigpit bago nagsalita. " Of course, You just need time to accept everything that happened..... At pag natanggap mo na ang lahat... Doon mo pa lang mararamdaman na unti-unti ng nawawala ang lahat ng sakit na nararamdaman mo." Dahil sa sinabi nya medyo gumaan ang bigat na nararamdaman ko. " Don't worry, Everything will okay... Just wait honey... Nandito ako tutulungan kita.." Sabi nya at hinawakan ng dalawang kamay nya ang pisngi ko para iharap sa kanya at punasan ang luha ko.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD