SHANAIA POV MASAYA akong nag handa ng pagkain pagkauwe ko sa penthouse ni Cain. Maaga talaga akong umalis ng kompanya para makapaghanda ng maraming pagkain para sa aming dalawa. Namimis ko na rin kasi talagang ipaghanda at alagaan si Cain kapag magkasama kaming dalawa. Ilang araw ko rin syang hindi nakita dahil sa aksidenting nangyari sa 'kin. Hindi rin ako agad nakauwe pagkagaling sa ospital dahil pinagaling ko pa ang sugat ko sa ulo, ayoko kasing makita nyang may bendang nakalagay sa ulo ko. Nang matapos akong mag handa ng mga pagkain. Masigla akong pumunta sa living area para doon na sya hintayin, pero lumipas na ang isang oras ay wala pa rin si Cain kaya bumuntong hininga ako at binuksan ko na lang ang TV para malibang ako sa pag hihintay sa kanya. Lumipas pa ang mga oras at hindi k

