One week before the engagement......
Cuevas Mansion...
STEVEN POV
" SIR, May naghahanap po sa inyo sa labas,"
" Sino,"
" Hindi po sinabi sir eh,"
" Ano ka ba naman! Dapat pag may mga ganyan tinatanong mo kung ano pangalan,"
" Pasensya na sir, Babalik na lang po ako sir, tatanong ko po kung ano pangalan nya,"
" Wag na.. Ako na pupunta,"
" Pasensya na ulit sir,"
Hindi ko na pinansin ang katulong humakbang na lang ako paalis.
" Manang gising na ba ang asawa ko," Tanong ko sa katiwala namin sa mansion ng makasalubong ko ito.
" Opo Sir, Tapos ko na din pong paliguan si ma'am Lorna,"
" Good, Pakidala na sya sa dining area para makapag breakfast na. Susunod din ako don titingnan ko lang kung sino ang nag hahanap sa'kin sa labas,"
" Masusunod po,"
Narinig kong sambit nya bago ko iniwan ito at nag patuloy nang lumabas ng mansion.
" Hello po, Good morning," Bati sa'kin ng isang binata nang makalabas ako.
" Who are you,"
" I'm Cain Alpuerto Sir, Shanaia's boyfriend,"
" SHANAIA WHAT," Napalakas ang boses ko nang marinig ko na boyfriend ng pinakamamahal kong anak ang binatang nasa harap ko.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang binata mukang may kaya ito sa buhay dahil naka business attire ito at may kasama pang bodyguard.
" Pasensya na po sir kung nabigla po kita sa pagpunta ko dito at kung bakit hindi ko po kasama si Shanaia ngayon. Gusto ko po kasi kayong makausap ng sarilinan,"
Tinitigan ko muna sya bago bumuntong hininga.
" Come inside," Sambit ko bago naglakad papasok sa loob ng mansion.
Narinig kong inutusan ng binata ang kasamang bodyguard na wag ng sumunod bago naglakad ito para sundan ako.
" Sabihan mo si manang Iseng na paunahin ng kumain ang asawa ko dahil may kakausapin pa ako. Dalhan mo na rin ako ng kape sa office ko," Utos ko sa nasalubong kong katulong.
Pagkasabi non ay umakyat na ako sa ikalawang palapag ng mansion at dumeretsyo sa office room ko.
Nang makapasok sa loob umupo ako sa sofang nandoon bago ko inutusan ang binata na umupo na rin sa pang-isahang sofa na nasa harap ko.
" Anong gusto mong sabihin?," Ako na ang unang nag salita nang makaupo na ito.
" Una po sa lahat gusto ko pong sabihin na kinagagalak ko pong makilala ka Sir. Pasensya ka na po kung ngayon ko lang po kayo nabisita. Hindi pa po kasi namin napaguusapan ni Shanaia kung kailan po kami makakadalaw sa inyo,"
Hindi ako nagsalita, Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya. Tumikhim muna sya bago muling nag salita.
" Sir, Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Alam ko po na hindi pa kami ganon katagal na magkakilala at nagkakasama pero sigurado na po talaga akong sya lang ang babaing mamahalin ko habang nabubuhay ako, Gagawin ko po ang lahat para mapasaya sya sa pil---,"
" Ano ba talaga gusto mong sabihin?! Diretsahin mo na ako," Putol ko sa mga sinasabi nya.
Tumikhim ulit sya.
" Naglakas loob po akong kausapin kayo ngayon dahil gusto ko pong hingin sa inyo ang kamay ng anak nyo."
" Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot- noo kong tanong.
" I want to marry her," Diretsang sambit nya.
Nag init bigla ang ulo ko sa sinabi nya pero pinakalma ko ang sarili ko dahil ayokong pangunahan ako ng galit.
" Umalis ka na, at wag ka ng babalik pa dito,"
" Sir,??" Gulat na tanong nya.
Hindi ako nagsalita.
" Pero si---,"
" I said leave," Matigas na sabi ko.
Bagsak ang balikat na tumayo na sya mula sa pagkakaupo at naglakad na paalis.
Nang makaalis ang binata ay agad kung kinuha ang cellphone ko at may tinawagan.
Ilang beses lang nagring iyon bago may sumagot sa kabilang linya.
" Gusto kong alamin mo ang lahat ng tungkol kay Cain Alpuerto," Sabi ko sa kabilang linya. Yon lang at pinutol ko na agad ang tawag.
How dare him....! Ang lakas ng loob nyang pumunta dito at hingin ang kamay ng anak ko.....
Maya-maya narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita kong may isa akong text message kaya agad ko iyon pinindot para mabasa.
'Sir, Na-email ko na po sa iyo ang lahat nang tungkol kay Cain Alpuerto'
Yon ang sabi sa text message kaya tumayo ako para pumunta sa executive table ko na nasa loob ng kwarto para buksan ang laptop ko at tingnan ang email na pinadala sa'kin. Nabasa ko ang lahat ng tungkol kay Cain at sa pamilya nito.
Hindi pala basta- basta lang ang pamilya ng lalaking yon... Pero wala kong pakialam..... Hindi ko ibibigay ang anak ko sa kanya. Kahit sya pa ang pinakamayamang lalaki sa buong mundo. Masyadong mahalaga sa'kin ang anak ko hindi matutumbasan iyon ng kahit na anong bagay.
*******
3 days before the engagement.......
" Sir, Andyan nanaman po sa labas yung lalaking araw-araw na nangungulit na makausap ka,"
Napaangat ako ng tingin sa katulong na nagsalita.
" Sabihin mo ayaw ko syang makausap,"
Tumango lang ito at nag simula ng maglakad.
" Sir, Mapilit po yung lalaki, hindi daw po sya aalis dito hanggat hindi daw po kayo nakakausap," Sambit ng katulong matapos makabalik nito.
" Hayaan mo sya, Gawin mo na ang trabaho mo,"
" Masusunod po," Sagot nya bago umalis sa harap ko.
Ilang oras pa ang lumipas bago ako nakarinig ng tawag sa cellphone ko. Tiningnan ko ang nakarehistrong pangalan sa screen. Tawag iyon mula sa opisina.
" Hello,"
" Sir, May General meeting po ngayon ang D S' Corp. kailangan nyo daw pong pumunta,"
" Sige, Pupunta na ako," Sambit ko.
Matapos kong patayin ang tawag mabilis akong nag bihis ng business attire ko bago ako lumabas ng mansion.
"Tonio, dalhin mo ako sa kompanya," Sabi ko sa family driver namin na nakatayo sa di kalayuan.
Yumuko ito at nagtungo na sa garahe. Sumakay naman ako agad nang huminto ang sasakyan sa harap ko.
Nang makalabas na kami ng gate kumunot ang noo ko dahil nasa labas pa rin pala si Cain. Nakatayo ito sa tapat ng mansion at nakasandal sa sasakyan nito. Nakita kong wala itong kasamang bodyguard ngayon.
" Bakit nandyan pa ang lalaking yan?"tanong ko kay tonio.
" Kanina pa po yan pinipilit paalisin ng mga guard pero ayaw po talaga umalis hindi naman daw po sya manggulo gusto lang daw po kayong makausap,"
Sumandal na lang ako sa upuan ng sasakyan at hindi na muling nagsalita pa.
Matapos ang meeting napahilot ako sa aking sentido dahil nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Kailangan ko na sigurong mag retiro sa pagiging presidente ng kompanya. Pakiramdam ko tumatanda na talaga ako at mukhang handa naman na ang anak kong patakbuhin ang mga negosyo namin.
"Dad are you okay?," Nag aalalang tanong sa'kin ng anak ko.
" I'm okay anak, Medyo sumakit lang ang ulo ko," Nakangiting sabi ko sa kanya bago yumuko para hilutin ulit ang sintido.
" Are you sure na okay ka lang dad?"
" Yes, Baby, I'm okay,"
Bumuntong hininga muna ito bago ngumiti.
" Dad, May gusto po akong ipakilala sa inyo ni mommy,"
Tumingala ako para tingnan ang anak ko.
" Sino?"
" Si Cain dad boyfriend ko, Maybe this coming party maipakilala ko na sya sayo,"
" Ito ang unang beses na may ipapakilala ka sa amin ng mommy mo Shanaia,"
" Well, Iba kasi sya sa lahat dad, He's very especially," Nakangiting sabi nito.
Tinitigan ko ang anak ko.
" Do you love him?" Seryosong tanong ko.
" Yes, Dad, I love him so much...."
" How about him? Mahal ka ba nya?"
" Yes, He loves me,"
" Paano ka nakakasigurong hindi ka nya lolokohin o sasaktan?"
Tinitigan muna ako ng anak ko bago hinila ang upuan na malapit samin at itinabi iyon sa tabi ko bago umupo at niyakap ang braso ko.
" Dad, Alam ko kung ano ang inaalala mo.. Wag kang mag alala kasi sigurado ako, One hundred percent, talagang -talaga na mahal ako ni Cain, At wala syang ibang ginawa kundi pasayahin at alagaan ako, that's why I love him so much... Trust me dad... He won't hurt me,"
Natigilan ako sa sinabi nya.
" Do you trust me?" Tanong nya at tinanggal ang pagkakayakap sa braso ko bago mataman akong tinitigan.
Mataman ko rin syang tinitigan bago bumuntong hininga.
" Okay, I trust you.. Pero pag sinaktan ka nya.. I'm going to kill him.. Naiintindihan mo ba?"
Tumango lang ito at muling niyakap ang braso ko.
PAGKAGALING ko sa kompanya dumeretsyo uwe na ko sa mansion. Nakita kong nasa labas pa rin ng mansion si Cain kaya kinausap ko ang driver ko pagkababa ko nang sasakyan.
" Tonio, sabihan mo ang mga guard na papasukin na yung lalaki sa labas,"
" Opo Sir,"
Pumasok na ako sa loob ng mansion at dumeretsyo sa dining area. May mga pagkain nang nakahain sa lamesa ng makarating ako doon.
" Manang, Mag utos ka sa isa sa mga katulong na dito paderetsyohin ang bisita sa labas at sunduin mo na rin ang asawa ko sa kwarto namin para makakain na kami,"
Agad naman itong sumunod sa pinaguutos ko. Ilang saglit lang nakita ko ng dumating si Cain nasa likod na nito si manang Iseng na may tulak na wheelchair kung saan nakaupo ang asawa ko.
" Maupo ka sabayan mo kaming kumain ng asawa ko," utos ko sa kanya.
Tumango naman ito at naupo. Nag dasal muna kami bago nagsimulang kumain.
" Nag proposed ka na ba,?"
" Hindi pa po, Gusto ko po sanang makapagpaalam po muna sa inyo bago ko sya yayaing magpakasal,"
" Kailan mo balak mag propose? May party celebration kami sa susunod na araw gusto mo bang doon na lang yayain si Shanaia mag pakasal para deretsyo engagement party na rin?!"
Natigilan ito sa sinabi ko at naibagsak ang mga kubyertos na hawak.
" Ano desisyon mo?" Tanong ko sa kanya.
Tumikhim muna ito bago tumayo at yumuko ng mababa sa harap ko.
" Thank you sir, sa pag payag nyong maikasal kami. Thank you po talaga,"
" Tito...... From now on tito na muna ang itawag mo sa'kin hanggang di pa kayo nakakasal ng anak ko,"
" Maraming salamat po tito," sambit nito bago muling dumeretsyo ng tayo at bumalik sa pagkakaupo.
" Anong desisyon mo sa alok ko? " Ulit ko sa tanong ko kanina.
" Opo tito, Sa party na po ako mag popropose,"
" Okay, So, magiging engagement party na ang party sa susunod na araw,"
" Opo tito, Maraming salamat po ulit,"
" Nga pala, This is my wife, Shanaia's mother, Naikwento na ba sya sayo ni Shanaia?" Pagpapakilala ko sa asawa kong nasa tabi ko.
" Yes tito, I know tita's condition, Pero hindi nya naikwento kung bakit nagkasakit si tita,"
" Ganun ba... Mahaba pa naman ang panahon maikukwento nya rin sayo kung bakit nagkaganito ang mommy nya,"
Tamango lang ito at ngumiti.