SHANAIA POV
Nasa isang Club sa Quezon Avenue si Shanaia. Maingay sa loob at tanging patay sindi na ilaw lamang ang nag bibigay liwanag sa buong lugar. May mga nag iinuman, Nag sisigawan at Nag sasayawan sa buong lugar. Magulo man, at medyo nilalamig sya sa suot nyang backless dress na kitang kita ang maganda at makinis nyang likod, Mababa din ang neckline ng kanyang dress kaya nakikita din ang kanyang malusog na hinaharap. Masaya, Yon ang nararamdaman ni Shanaia sa mga oras na yon.
"LEEEEEEET'S PARTY, Woooooohhh!!! Sigaw ko sa mga kasama sabay taas ng baso na may lamang alak at sumayaw sayaw pa ako. "s**t, Napakasaya talaga kapag kasama ko kayo guy's.... Wohoooohh!!!!!!," Patuloy kong sigaw.
Kompleto kaming magkakaibigan ng gabing yon. Matapos nga naming dumaan sa mansion kanina ay dumeretsyo na kami ni Ashley sa lugar na yon para makipag kita kay Sam at Lyka, Isinama din ni Lyka si Bryan na boyfriend nito.
"Welcome back, Ash, It's so nice to see you again, Cheersssssss..... Wooohh,!" Sigaw ding sabi ni Lyka.
"Cheeeeerrrss," Mag kakasabay naming sambit at pinagdikit-dikit namin ang aming mga baso.
"I thought, Marcus is coming....?" Tanong naman ni Sam kay Ashley.
"He's on his way..," Sagot ni Ashley.
"Marcus...???? He's your boyfriend, Right?!, As i remember Ash, Sya yung naging boyfriend mo bago ka lumipad papuntang Thailand, Is that right...?!" Paninigurong tanong ni Lyka.
Tumango tango naman si Ashley, "Medyo matagal na din kami tulad nyo ni Bryan," Sagot naman ni Ashley.
"Yeah, Ganyan talaga pag nag mamahalan, Tumatagal." Nakangiting sagot naman ni Lyka.
"Anoooo DAAAaaawww," Mag kasabay pang sambit namin ni Sam.
"Can you stop talking like that, Kinikilabutan ako, Yuuuuucckks!!!," Maarte pang sabi ni Sam.
Inirapan ko naman yung dalawa dahil pakiramdam ko, kinikilabutan din ako sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan.
"Hey,! Wag nyo nga kaming itulad sa inyo, Na na-broken hearted lang noon, Naging Playgirl na ngayon" Pairap namang sabi ni Lyka samin.
"Yes, That's right, Di porket niloko kayo dati ng naging boyfriend nyo. Lahat na ng lalaki ay manloloko na," Sabi naman ni Ashley.
"At hindi rin tama na lokohin nyo ang mga nagiging boyfriend nyo, Nang dahil lang sa niloko kayo dati. Kakarmahin kayo sa mga ginagawa nyong paglalaro sa mga lalaki," dugtong pang sabi ni Lyka sa sinabi ni Ashley.
"Hey, hey, hey....!!! Here you go again, Nag simula ka nanamang mangaral ng dahil dyan sa pag ibig mo, Tsaka pwede ba hindi ako manloloko, Di ako katulad ni Sam na maraming boyfriend na pinagsasabay-sabay, Isa isa lang yung sakin noh,!!! Mabilis lang talaga ko magsawa kaya pinapalitan ko na agad," Nakataas kilay kong sabi kay Lyka.
"Parehas lang yon, Girl, Mas malala nga lang yung sakin," Natatawang sabi naman ni Sam sakin.
"Parehas lang ba yon, Parang di naman," Sagot ko kay Sam. At nag tawanan kaming dalawang magkaibigan. Samantalang si Ash at Lyka ay napapailing na lang sa mga sinasabi namin.
Habang tumatawa ako ay may bigla na lang umakbay sa balikat ko. Nang tingnan ko kung sino ang makapal na mukha na umakbay sa akin, Mukha ni kevin ang nakita ko, Napatingin ako sa likuran nito, Si Marcus ang nakita ko doon, papalapit na din ito kung nasaan kami. Pagkalapit ni Marcus ay agad kami nitong nginitian at lumapit sa kinaroroonan ni Ashley para mahalikan ito sa labi.
"I miss you, baby," Narinig ko pang sabi nito kay Ashley, bago tuluyang umupo sa tabi ng Ashley.
"Hi, Babe, How are you" Malambing na tanong naman sa akin ni Kevin at bigla akong hinalikan sa pisngi.
"F*ck, Why did you do that....!!! We're not close para gawin mo sakin yon," Mataray kong sabi sa lalaki. "Tsaka pwede ba lumayo ka sakin, Don ka nga umupo, Ayaw kitang katabi" Sabay turo ko sa upuang nasa harap ko.
Ngumiti lang ito. "But, I like here, Beside you" Paglalambing nitong sabi sakin.
"Hayaan mo na sya, Shai, Gusto lang naman nyang makatabi ka eh," Sabat naman ni Samantha.
"Fine, Wag mo kong guguluhin ah...!!!" Sabi ko na lang sa lalaki.
"Okay then, Ipagpatuloy na ang kasiyahan, Cheeerrs," Sigaw ni Ashley at tinaas ang hawak nitong baso.
Sabay sabay naman kaming lahat na tumayo, At pinagdikit -dikit ang mga basong may lamang alak at sabay sabay sumigaw ng,
"CHEEEEEEERRRSS,!!!"
"Ang SAYA, SAYAAAAAA.....!!!" Sigaw ko pang sabi at tumalon talon pa ko.
Tumalon talon din ang mga kasama ko at sumigaw ng "PARTY... PARTY...PARTY......!!"
"WELCOME BACK TO MEEEEE," Sigaw naman ni Ashley at umakyat ng table namin at nag sasasayaw doon.
"Woooooohhhooohh!! WELCOME BACK!!" Sigaw din namin.
At uminom kami ng uminom. Mag papakasaya talaga kami sa gabing yon. Sabagay pag nag pupunta talaga kami sa mga ganitong lugar ay palagi kaming nagpapakasaya at naglalango sa alak. Di pwedeng di kami wasted pag naisipan naming mag enjoy.....
Medyo tipsy na ako pagkatapos kong uminom ng maraming shot, Napagod na rin ako kakasayaw kaya umupo muna ako para mag pahinga. Marami naring lalaki ang lumapit sa akin para makipagkilala at makasama akong uminom, Tinanggihan ko ang lahat ng yon dahil wala ko sa mood makipaglandian sa mga ito. Tsaka alam ko naman kung ano ang gusto sakin ng mga lalaking yon eh, Ang maikama ako!!!
May mga lumalapit din sa akin na kakilala ko karamihan sa mga yon ay naging boyfriend ko or mga ex-toys ko. At lahat ng lumalapit sa akin ay pinipigilan naman ni Kevin at sinabi pa nito na "She's MINE, Pare,' Akala mo talaga pag aari nya na ko, Hinahayaan ko na lang dahil ayoko ring makipagusap kung kani-kanino.
Napatingin ako sa pwesto ni Samantha, May katabi na itong lalaki na di ko kilala, At nakikipaghalikan doon. Habang sina Lyka and Ash ay nasa dance floor at nag sasayaw kasama ang mga jowa nila. Naiiling na lang akong ngumiti at uminom ng alak.
"Hey, Babe, Madami ka ng nainom, Tama na....!" Sabi ni kevin sakin at hinawakan ang braso kong may hawak na baso na may lamang alak.
Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinakikilaman ako, Magulang ko lang ang may karapatang pakilaman ang buhay ko, WALA NG IBA PERIOD. Kaya tiningnan ko ng masama si Kevin. Kanina ko pa hindi ito kinakausap, kanina pa din ito salita ng salita. Pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nito. Kaya hindi ko iniintindi ang mga pinagsasabi nito sa akin, Sunod din ng sunod ito sa akin san man ako mag punta.Pinapabayaan ko lang ito sa gusto nya. Bahala sya buhay nya... Basta ako mag papakasaya ako...!!!!!
Nakaramdam ako ng pagkaihi, kaya tumayo ako para pumunta sa CR. Nang maramdaman kong nakasunod sa likod ko si Kevin ay agad ko itong hirap
"Pwede ba.... Wag mo kong sundan, iihi ako, Pati ba naman sa pag punta kong CR nakabuntot ka," Mataray kong sabi rito. Pagkasabi ko non ay agad akong tumalikod at dumeretsyo ng CR.
Nang matapos umihi ay nag ayos muna ako ng sarili bago tuluyang lumabas ng CR, Paglabas ko naman, nakita ko agad si Kevin na nag aabang sakin sa pinto, Kalmado itong nakasandal sa dingding, Marami ding babae ang napapatingin dito dahil napakagwapo nito. Inirapan ko lang ito at hindi ito pinansin, Nag deri-deretsyo lang akong lumabas palayo dito, Malayo na ako ng mapansin nitong nakalabas na ako at nag lalakad na pabalik sa table namin. Sumunod naman ito agad sa kanya at binilisan ang lakad para lang maabutan ako. Binilisan ko din ang lakad ko upang hndi masundan nito.
Bago makarating sa table namin ay madadaanan ko muna ang Bar area. Napadako ang mga mata ko sa isang lalaki na lumapit sa Bar at nakita ko rin itong tumingkayad upang makaupo sa bar stool na naroon. Agad kong nilapitan ang lalaki at pinaharap sa akin, Bago ko ipinulupot ang aking mga braso sa leeg nito. Nang makita ko sa gilid ng mata ko na medyo malapit na si Kevin sa kinaroroonan ko. Walang sabe-sabe na pinapungay ko ang aking mga mata at agad kong hinalikan ang lalaki. Natigilan at nanigas ang katawan nito sa ginawa kong pag halik. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko naramdaman ang pag pulupot ng braso nito sa maliit kong bewang, Nagulat ako sa pag ganti nito ng halik, Pero di ako tumigil sa pag halik sa lalaki, Mas lalo ko pa ngang pinalalim ang pag halik sa lalaki dahil sa tamis na nalasahan ko na nag mumula sa labi nito. Nang dahil sa ginawa ko,, Ay lalo akong hinapit nito palapit sa matipuno nitong katawan. At ng dahil sa pagkakalapit namin ng katawan ay ramdam na ramdam ko ang pagkakadikit ng malusog kong sus* sa matigas nitong dibdib kaya mahina akong napaungol.
Shit, Ano itong nararamdaman ko... Bakit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko?! Bakit parang may mahinang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko, Saan ba nanggagaling ang kuryenteng yon,?! Sa lalaking kahalikan ko ba nanggagaling ang kuryenteng yon....? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam ng kuryenteng bumabalot sa buong katawan ko, Gustong gusto ko ang pakiramdam na ito.... Ayaw kong mawala ang masarap na pakiramdam na to. Sana wala ng katapusan ito.
Fu*k napamura ako sa isip ng may biglang humatak sa akin palayo sa lalaking kahalikan ko.
"Noooooo, Bakit nawala..... Bakit naputol,?! Hindi pwede,!!! I want moooore....?!" Sigaw ng kaloob-looban ko.