CHAPTER 27

1342 Words
KALIBO, AKLAN.... CAIN POV " MANANG, tingnan nyo po..... Napakagwapo po talaga nya, Mas gwapo pa po sya kesa sa mga napapanood kong mga artista sa tv.. Para syang isang prince charming...." " Naku, na bata ka tigilan mo na yang kakatitig sa binatang yan... Gawin mo na lang yung mga trabaho na naiwan mo sa labas," " Mamaya na po manang, tititigan ko lang po muna tong si pogi...," May narinig akong naguusap sa paligid ko kaya dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko..... Isang dalagita ang namulatan kong titig na titig sa mukha ko... " Manang, manang... Tingnan mo po nagising na po sya..." May lumapit na isang matandang babae sa tabi ko. " Naku, Oo nga gising na sya....ikuha mo sya ng tubig Lily.. madali ka," " Masusunod po manang," Sagot ng dalagita at tumakbo na ito palayo sakin. " Iho, kamusta ka..? Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?," Sunod-sunod na tanong sakin ng matanda.. Sinubukan kung bumangon pero kumirot ang katawan ko.... " Iho, Wag ka munang babangon puro pasa at sugat pa ang buong katawan mo.." " Ano pong nangyari? Bakit po ako nandito?" Mahinang tanong ko. " Nakita kang sugatan at walang malay sa dalampasigan ni Mira nung nakaraang linggo kaya pinatawag nya ang mga tauhan nya para dalhin ka dito at magamot," " Nung nakaraang linggo po...?" " Oo, iho.. Dalawang linggo kana mahigit na natutulog... Pasalamat ka nakita ka kaagad.. dahil kung hindi patay ka na ngayon... Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka ?" Pumikit ako... Inaalala ko kung ano nga bang nangyari sa'kin.... Pero bakit ganun ni isa wala akong maalala..... Dumilat ako at tumingin sa matanda. " Ano iho, naalala mo ba kung ano nangyari sayo..?" Umiling ako... " Pangalan mo..? Ano pangalan mo?," Umiling ulit ako. " Manang, ito na po yung tubig para kay pogi," Sambit ng dalagita at inabot ang isang basong tubig sa matanda. " Iho, halika tutulungan kitang makaupo," Sambit ng matanda at inalalayan na akong makaupo.... Inabot nya sa'kin ang isang basong tubig nang makita nyang nakaupo na ako ng maayos. " Maraming salamat, Manang.." " Osya, maiwan ka na muna namin iho, Para makapagpahinga ka na ulit.. kailangan mong magpalakas para makauwe ka sa pamilya mo... Siguradong nag aalala na sayo ngayon ang mga magulang mo." Tumango lang ako... " Halika na Lily, hayaan mo na muna syang makapagpahinga..." " Opo, manang.. Bye, pogi.." Paalam naman sakin ng dalagita at sumunod na sa matanda. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng pinto. Naiwan akong mag isa at inaalala kong ano ba talagang nangyari sa'kin o kung ano ba talaga ang pagkatao ko... Hindi pweding mag tagal ako dito sa lugar na ito... Baka may mga taong nag hihintay sa pagbabalik ko.....Kailangan kong maalala ang lahat... -------- NAKAPIKIT ako at ninanamnam ang simoy ng hangin sa paligid habang nakahiga ako sa damuhan... Ilang linggo na din ang lumipas simula nang magising ako sa mahabang pagkakatulog ko sa lugar na ito... At hanggang ngayon wala pa din akong maalala sa nakaraan ko.... Ayon sa doktor may temporary amnesia daw ako... At nakadepende daw sa mga bagay o tao ang makakatulong sa pagbalik ng alaala ko... Kung may mga bagay o tao daw na makakapagpaalala sa nakaraan ko mas mapapadali daw ang pag balik ng alaala ko.... " Pogi, Pinapatawag kana ni manang.. kakain na daw tayo...," Umupo ako at lumingon sa kinaroroonan ni Lily nakangiti ito habang naglalakad palapit sa'kin. Ito at si Manang ang nag aasikaso sakin habang nagpapagaling ako sa lugar na ito kaya napakalaki ng utang na loob ko sa mga ito lalo na sa nag ligtas ng buhay ko. " Bilisan mo na pogi, Nagugutom na kaya ako... kanina pa kita hinahanap sa loob ng bahay nandito ka lang pala sa hardin tsaka ba't ka ba nakahiga dyan sa damuhan ang dumi-dumi kaya dyan.. Ang pogi- pogi mo pa man din tapos madudumihan ka lang dyan, Sa susunod nga lagi na akong mag wawalis dito dahil ang hilig- hilig mong humiga dyan sa damuhan, haynako talaga," Sunod-sunod na sabi nito. Pogi na ang pinangalan sakin nito dahil hindi naman daw namin alam kung ano ba talaga ang pangalan ko...kahit ang ibang tao sa bahay na iyon ay pogi na din ang pinangalan sakin. Mahina akong tumawa dahil sa kadaldalan nito. " Ang pogi-pogi mo talaga pogi, lalo na pag tumatawa ka.....," Tumayo ako at ginulo ang buhok nito. " Halika na, sabi mo nagugutom ka na..." " Oo nga pala.. nakalimutan ko na tuloy ang gutom ko. Tumawa ka kasi eh, Alam mo masarap ang ulam... Alam mo na pag luto ni manang masarap talaga.. Naku, sigurado marami nanaman tayong makakain nito. Mamaya lalong hindi mo na maalala ang nakaraan mo dahil sa sarap ng luto ni manang.. kakausapin ko nga sya mamaya na wag ng magluto ng masarap... Mahirap na.." Natatawa na lang ako at napapailing sa mga pinagsasabi nito. " O, Andyan na pala kayo... Halika na kayo kumain na tayo... " Sambit ni manang samin ng makarating kami sa hapag kainan. " Manang, Mauna na po kayo dadalhin ko pa pala ito sa kwarto ni senorita," Sabi ni Lily at nagmadali ng maglakad dala ang isang tray na may lamang pagkain at mga gamot. " Ang batang yon talaga hindi na nya inakyat kanina bago ka nya tawagin," Naiiling na sabi ng matanda. " Manang, Yung babaing nag ligtas sa'kin.. Bakit kahit kailan hindi ko pa syang nakitang lumabas ng kwarto nya? Tsaka bakit parang lagi syang may iniinom na gamot?" Tanong ko sa matanda. Matagal ko nang gustong makapagpasalamat sa dalaga... kaso ni minsan hindi ko pa itong nakitang lumabas ng kwarto nya..... " Ah, Ayon ba..... May malalang sakit kasi sya iho, kaya minsan lang syang makalabas sa silid nya.. Pag maganda lang ang pakiramdam nya doon lang sya nakakalabas at nakakapaglakad- lakad...." " Ano hong sakit nya manang?," Tanong ko sa matanda.. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako na curious sa dalaga. " Brain tumor.... At ilang buwan na lang ang itatagal nya sa mundo," Malungkot na sabi ng matanda. Nakaramdam din ako ng matinding lungkot para sa dalaga... Nang matapos kaming kumain nakapagdesisyon akong puntahan ang dalaga sa silid nya para kahit papaano ay makausap ko ito at makapagpasalamat man lang sa ginawang paligtas sa buhay ko.... Nagpaalam naman ako kay manang kung pwede ko itong puntahan para makausap. Pumayag naman agad ito. Knock.... Knockk.... Ilang beses akong kamatok bago ako nakarinig ng boses mula sa loob.. Pinihit ko ang saraduhan at dahan-dahang binuksan ang pinto. Isang magandang dalaga ang nakaupo sa kama ang napagbuksan ko. Nakatingin ito sa kinatatayuan ko. " Can I talk to you?," Mahinang sabi ko sa kanya ng tuluyan na akong nakapasok sa loob... " Oh, You are the man I saw on the shore.. kamusta ka na ? Magaling ka na ba ?" " Yes, Thank you for saving my life... Salamat din kasi pinagamot mo ako at hinayaang makapagpagaling dito sa bahay mo... Sobrang laki ng utang na loobko sayo," " Wala yon, Wag mo nang isipin yon... Masaya ako na magaling ka na.. at sana din maalala mo na ang nakaraan mo," Nakangiting sabi nya. Mapatitig ako sa maamong mukha nya... Lalo syang gumanda dahil sa pagkakangiti nya.... Teka.. Parang pamilyar sa'kin ang ngiti na yon..... '' Cain...' Napalingon ako sa likod ko... Sino yon..?!! " Narinig mo ba yon?" " Ang alin? Wala naman akong naririnig ah," Nag tatakang tanong sakin ng dalaga. "Cain, Baby..." Tumingin ako sa paligid... " San galing ang boses na yon..." Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang kumirot iyon.... Napakasakit kaya napapikit ako.... " Okay ka lang ba?" Narinig kong tanong sakin ng dalaga sa harap ko kaya dumilat ako para tingnan sya... Tinitigan ko sya.... Tama.. Ang mukhang yon.... Ang ngiting yon... Kilala ko yon.... You are mine, Cain..... Mahal na mahal kita.... Mahal na mahal din kita..... Malinaw na... Malinaw na sa'kin ang lahat... ' SHANAIA.....' Sigaw ng utak ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD