Chapter 3

1856 Words
''Zamiel?'' Gulat na tanong niya nang makilala ang lalaking humila sa kanya. Inikot siya ni Zamiel. Now her back is touching the wall. She was cornered. Sobrang lapit nila sa isa't-isa. Ramdam na ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nila. ''Anong ginagawa mo dito?'' Zamiel's asked her. Matalim ang mga mata nito. Sandali siyang nag-isip. Tapos ay ibinalik ang tingin kay Zamiel. Pinakatitigan niya ang mga mata ng lalaki. Wala siyang ibang nakita doon kundi galit. They were friends since high school at kung may dapat siyang pagkatiwalaan ngayon, alam niyang siya iyon. ''I was here to... To look for Antoinette. Na...nalaman ko kasi ang...Ang nangyari,'' She nervously admit, feeling guilty. Hindi niya alam kung paano babanggitin sa kaibigan ang nangyari kagabi. Umigting ang panga ni Zamiel. ''I can't imagine how stupid you are! Still caring for someone na gusto kang ipahamak!'' Galit na saad nito. Lalong umigting ang mga panga nito. He clenched his fists. At kung pwede lang ay sampalin nito si Alaia ngayon para magising sa katotohanan na isang traidor ang pinsan niya. Natigilan si Alaia sa narinig mula kay Zamiel. Kunot ang noo niyang pilit iniintindi ang narinig sa kaibigan, pero kahit hindi sabihin ni Zamiel iyon she already knew it. Dahil sa mismong bibig mismo ni Antoinette nanggaling ang salitang iyon. That she want Mr. Claude to own her. Nangilid ang mga luha niya. Hirap niyang ipasok sa isip niya ang mga bagay na iyon. ''Pareho sila ni Taytum!'' Bumagsak ang kanyang mga luha. Bumuntonghininga si Zamiel. He tried to reach her face para punasin ang mga luha niya, pero mabilis na iniwas ni Alaia ang mukha. Pinunas niya ang sariling luha tapos ay ibinalik ang tingin kay Zamiel. ''Don't blame Taytum for that.'' Suhesyon nito. Inis na ngumiti si Alaia sa sinabi ng binata. Tinitigan niya ito ng masama. ''I can't imagine how stupid you are still protecting someone who is a traitor! Siguro pati ikaw ganoon sa akin! Siguro pati ikaw gusto rin akong ipahamak!'' Paghihimutok niya. Ngayon hindi na niya alam kung sino ang taong dapat niyang pagkatiwalaan. Sabagay people change their faces whenever they talk to someone. It's either they wear a mask or their real face. They just like a snake changing their skin, silent and hiding. Natulala si Zamiel sa sinabi niya. Laglag ang panga. Hindi nito lubos akalain na pag-iisipan siya ni Alaia ng ganoong bagay dahil lang sa sinabi niya. When all his life wala itong ibang ginawa kundi protektahan siya. To love her and give her everything, sabihin niya lang. ''Hindi ka makasagot kasi totoo!?'' Galit na tanong niya. Umiyak siya. Masuyong hinawakan ni Zamiel ang kamay niya. Marahan nitong hinaplos iyon. ''Hindi ko iyon gustong gawin, I will never do that. I'd rather hurt myself than hurting you. And I won't let anyone to hurt you...'' He assumed her. Hinila niya si Alaia at niyakap. Yakap na pwedeng magpatahan sa dalaga. Yakap na gusto siyang protektahan sa kahit na ano mang kapahamakan. ''Tell your bestfriend to come! Kung gusto mong iligtas ang sarili mo!'' Natigilan silang pareho nang marinig ang sigaw ni Antoinette, bukas na ngayon ang pintuan sa kinaroroonan ng mga ito kanina. Napatakip si Alaia sa kanyang mga taenga nang makarinig ng putok. ''Taytum!'' Sigaw niya. Mabilis na tinakpan ni Zamiel ang bunganga niya at hinila siya. Nagtago sila sa isang bakanteng silid. Sinenyasan siya ni Zamiel na tumahimik. Malalakas ang kabang umahon sa dibdib niya. Sobrang nag-aalala siya sa kaibigan niya, and it's stupid to think dahil bakit nagagawa pa niyang alalahanin ang taong kasama sa pagpapahamak sa kanya. Galit siya pero hindi niya kayang pabayaan ang kaibigan niya sa kamay ni Antoinette. Mga yabag ang narinig nila mula sa hallway. Initulak niya si Zamiel at lumapit siya sa pinto. Idinikit niya ang taenga niya upang pakinggan ang nangyayari sa labas. ''I swear, I am going to kill her dad!'' Sigaw ni Antoinette ang narinig niya sa labas. Ngayon ay nasa tapat na iyon ng kwartong kanilang pinagtaguan. Nilingon niya si Zamiel na nakakunot. Mataman siya nitong pinagmamasdan. Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago siya nakarinig ulit. ''Huwag na huwag mong gagawin iyan. I will talk to Mr. Claude to do something with her para makasal silang dalawa. Try to be nice with Aia kahit ganyan ang nangyari. She must be here. I saw her car outside!'' Turan ni Lorencio sa anak. Maraming naglalarong tanong sa isip ni Aia. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon na ang trato ngayon ng kanyang nakagisnang ama sa kanya. Kung para sa pagkalugi ng kumpanya ang iniisip ng matanda'y hindi ba nila pwedeng gawan ng paraan iyon ng hindi siya ipapakasal sa matandang byudo? Umigting ang panga ni Zamiel dahil pati siya ay narinig ang sinabing iyon ni Mr. Lorencio. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Alaia na siyang ikinagulat ng dalaga. He will do everything to protect her dahil higit pa sa kaibigan ang nararamdaman nito kay Alaia. ''Umalis na tayo dito, at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa pamilya mo.'' Sandaling natigilan si Alaia sa sinabi ng binata. Oo gusto niyang umalis, lumayo, pero paano? Isa pa ay iniisip niya ang kanyang Lola. Pero kung hindi siya aalis ngayon ay siguradong ikapapahamak niya iyon. ''Saan ako pupunta?'' Wala sa sariling tanong niya. ''Go abroad.'' Agap ni Zamiel na tila ba kay dali lang gawin lahat ng iyon. Kahit magulo ang isip ni Alaia ay tumango pa rin siya. Sa bagbag na bintana dumaan ang dalawa. Panay ang lingon nila sa kanilang likuran sinisigurong walang makakasunod sa kanila. Halos gumapang na sila sa makakapal at may katayugang kugon na dinadaanan nila upang hindi sila makita. Ilang hakbang na lang ay makakalabas na sila doon. Pero muli silang napatigil nang may tumigil na ilang sasakyan sa kalsada. Naharangan ang sasakyan ni Zamiel. Pinanuod nila ang ilang kalalakihan naka tuxedo na bumaba roon. Huling lumabas doon ang matipunong lalaki na nakasuot ng navy blue na khaki pants. Umahon ang kaba sa dibdib ni Alaia nang makilala niya ang lalaki? ''Si Mackenzie Del Rio?'' Kinakabahan na tanong niya. Parang sa hangin niya iyon sinabi. Umigting ang panga ni Zamiel. Masakit niyang liningon si Alaia na ngayon ay mahigpit na naka kapit sa kaliwang bisig niya. ''The man you slept with.'' may pait sa sinabi niya. Kung alam lang ni Alaia ang tunay na nararamdaman sa kanya ng binata. Nag-init ang pisngi ni Alaia sa narinig niya. Nakaramdam siya ng matinding hiya sa kaibigan kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi naman niya sinasadyang mangyari iyon. Kung hindi lang siya lasing kagabi ay hinding-hindi niya gagawing makisiping sa kahit na sino mang lalaki. Napabitaw siya sa pagkakahawak kay Zamiel nang tumayo ang binata. Masusi nitong sinuri ang paligid. Wala siyang nakitang tao sa malapit. Lahat sila ay nakapasok na sa gate ng simbahan. "Halika na.'' Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuan ni Alaia. Tumakbo silang pareho papasok sa sasakyan niya. Pagkasarado pa lang ng pintuan ay mabilis nang pinatakbo ni Zamiel ang sasakyan, halos umusok ang buong kalsada sa bilis. Nakalikha iyon ng ingay na siyang ikinaagaw atensyon ng grupo ni Mackenzie at ni Mr. Lorencio, mga taong pareho na gustong makita si Alaia. ''Ano sa tingin mo ang ginagawa ni Mackenzie doon?'' Kumunot ang noo ni Alaia nang tanungin niya si Zamiel. Dahil pati siya ay halos hindi marinig ang sinabi. Tahimik lang si Zamiel. Nakatuon ang mga mata sa kalsada. Akala ni Alaia ay hindi iyon narinig ng binata. Kaya hindi na siya umasa pang masasagot iyon. ''Dalawang bagay!'' Iyon lang ang sinabi ni Zamiel. Kumunot ang noo niya. Nalito sa kung anong ibig sabihin ng kaibigan. ''May kinalaman ba ito sa akin?!'' Tanong niya, umaasang hindi. Humigpit ang pagkakahawak ni Zamiel sa manibela. Umigting din ang panga niya. Napansin iyon ni Alaia kaya napakagat siya ng pang-ibabang labi. Nagsisi tuloy siyang tinanong pa si Zamiel. Sandaling binagalan ni Zamiel ang pagpapatakbo, malayo na sila ngayon sa simbahan na pinanggalingan nila. Nilingon nito si Alaia na mugto ang mga mata dahil sa halos walang katapusang pag-iyak kanina. ''Ikaw at si Mr. Lorencio ang alam ko.'' Seryosong tugon niya sa tanong ni Alaia. Kumunot nang husto ang noo ni Alaia sa narinig. Pero sana ay mali ang kaibigan niya. Sana iyon ay tungkol lang sa ama-amahan niya. Lalong binagalan ni Zamiel ang pagpatakbo, dadaan sila ngayon sa pababang kalsada. Sa gilid ay may matatayog na kugon. Malapit-lapit na rin sila sa mga kabahayan. ''Nang nalaman kong ikaw ang pinili ni Mr. Frederick na ipakasal sa isang anak niya ay nagsimula akong mag-imbestiga.'' Pag-amin niya. Naalala ni Alaia ang sinabi ng kanyang uncle kahapon. ''You think kilala na ako ng Del Rio na iyon?'' Tanong niya. Si Mackenzie ang tinutukoy niya. Agad naman na nakuha ni Zamiel ang ibig sabihin. Napansin ni Alaia ang paggalaw ng panga ng kaibigan pati na rin ang pagkakahigpit ng hawak nito sa manibela. ''That f*****g much! Kilalang kilala ka niya Aia!'' frustrated niyang sinabi. Kung sana ay kaya niyang pantayan ang yaman at lakas ni Mackenzie Del Rio ay matagal na niyang napatigil ang pagpapadala ni Mackenzie ng kung sino-sinong tao para lang manmanan si Alaia. Kabadong-kabado si Aia sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala. ''How come he knows me? Paano?'' Naguguluhang tanong niya. Gusto niyang kalkalin ang utak niya, isipin at pilit alalahanin kung nagkita na ba sila dati ng lalaking iyon? Pero sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay tila pamilyar palagi ang itsura nito. Hindi niya lang iyon pinagtuunan ng pansin dahil iniisip niyang dejavu. Inis na bumuntong hininga si Zamiel. ''He is the man na inagaw ka sa akin noong nagsasayaw tayo, if you remember the family gathering? Diba nga nasampal ka pa noon ng mama ng pinsan mo dahil inaway ka ni Antoinette dahil lang doon.'' Pagpapalala ni Zamiel. That day was an awful for him. Kahit higit apat na taon na ang nakalilipas ay kayang-kaya niyang idetalye ang nangyari noon. ''That rude man na halos makipagsuntukan pa sa iyo noon?'' Salubong ang kilay niyang tugon. Nakaramdam siya ng iritasyon nang maalala iyon. Dahil sa lalaking iyon, dahil sa pamimilit niyang isayaw siya ay nagkagulo sa okasyon na iyon. Napasapo siya ng kanyang noo. Mariing umiling-iling. Hindi siya makapaniwala. ''Just like, Mr. Claude. Makapangyarihan siya Aia!'' Frustrated na babala ni Zamiel. If he could only as successful and powerful like them. Successful siya pero hindi pa niya abot ang kung anong mayroon ang dalawang lalaking pwedeng umagaw kay Alaia sa kanya. Muling umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Alaia. Unti-unting napapalitan ng matinding galit ang kabang nararamdaman niya nang maisip ang nangyayari ngayon sa kanya. Sabihin na nating nasa dalawang lalaking iyon ang lahat. Pero ni isa sa kanila ay wala siyang gusto! Ni isa sa kanila ay wala siyang pipiliin! ''Kahit sino sa kanila wala akong gusto!'' Galit na sigaw niya. Mas sa sarili niya sinabi. Nakaramdam ng galak ang puso ni Zamiel sa narinig. Bahagyang binilisan nito ang pagpapatakbo nang makababa na sila sa pabulusok na kalsada. Malakas niyang inapakan ang preno ng kanyang sasakyan nang biglang humarang ang sasakyan na nag-Over take sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD