Nakakatawang isipin na magtatagal pala ang relasyon namin ng mokong na ito ng lagpas dalawang buwan. Yes you heard it right, mag- fofour months na kami ni mokong, akala ko noong una one week lang itatagal namin, pero dahil na rin sa kakulitan at pagmamahal ng mokong na ito , aba! At humaba pa. Ganun pa rin siya masyadong possessive, makipagtawanan lang ako sa mga lalaki kong kaklase akala mo pinagtataksilan na. May eksena pa ngang pati si Bob ay pinagseselosan na. Pero kahit ganun, hindi rin naman nabawasan ang pagiging sweet ni mokong. May mga pagkakataon na bigla na lang tong sisigaw ng "I love you Craig" sa loob ng canteen, o di naman kaya ay magdadala ng napakaraming chocolates sa bahay, hindi pa rin nauubusan ng mga banat si mokong araw-araw. Pero katulad ng ibang relasyon hindi ko a

