Introduction
Ang hirap mahulog sa isang bagay na alam mong walang kasiguraduhan, ni hindi mo alam kung may patutununguhan. Ang hirap sumugal sa isang bagay lalo na kung alam mong malabo ang pwedeng maging kahinatnan nito. Pero ang mas ikinatatakot ko, ang subukan ang isang bagay na walang sinumang aalalay sa akin, kailangan ko ba ng tungkod? charot! Pero ewan, bakit kailangang laging komplikado ng pagmamahal, bakit kailangang stressful. Hindi ba pwedeng happy-happy lang? Kapuy! laging pa misteryoso ang love na yan, kailangan laging may iiyak, mag-aaway o maghihiwalay.
A story of finding, creating, understanding and, accepting the real meaning behind the word, "LOVE". Hanggang saan ang kayang tiisin, kayang hintayin at kayang indahin para lang sa taong iyong minamahal?
Ang kwento nang masayang pagiibigan nina Craig Luis Castillo at Justine DelaFuente. Sa mundong sarado at masyadong mapang-mata, sa ba dapat lumugar?
Dahil ang pag-ibig ay hindi puro laro at saya, susubukin ang pagmamahalan nila Craig at ang kanyang Mokong. Ilang beses mang pinaghiwalay at pinaglaruan ng tadhana, matuloy pa kaya ang pagmamahalan ni Craig at Mokong? Ilang pagsubok ba ang kailangang harapin upang mapatunayan ang pagmamahal ng dalawang tao? ilang problema ang dapat lagpasan para mapagtibay ang pagmamahalan nila Craig at Justine.