NBM1

948 Words
Another year na naman nang pakikibaka sa school na pinapasukan ko. Ang OA ng word na pakikibaka pero you know what I mean naman noh? And usually ganito naman talaga ang mga eatudyanteng excited pumasok katulad ko. Siguro mas malala lang ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Good thing na din siguro dahil sa public school ako nag-aaral, where reality is always present (may reality din naman sa private schools, mas intense nga lang dito sa public). After 10 minutes nang pagkatulala, ay napagdesisyunan ko na ding bumangon dahil ayoko namang malate sa unang araw ko as a 4th year student. Oh shocks! Last year ko na din pala dito sa sinisintang paaralan, I will surely miss it.  By the way I am Craig Luis Castillo 17 years old and currently a 4th year high school student sa mataas na paaralan ng San Diego (gawa gawa ko lang yan ) Pangalawa ako sa aming dalawang magkapatid, technically bunso ako. Hahaha. 5'6 in height, average body, kayumanggi, pointed nose and dalawa naman mata ko (corny to aminin niyo). Hindi ako head turner just like others, pero I'm presentable enough naman to gain respect from others. "Hi ma , Goodmorning po " sabi ko habang bumababa sa hagdan namin na limang steps lang naman. "Oh, anak ang aga mo gumising ha. Anong meron?" sabi ni mama habang abalang-abala siya sa  binabasa niyang magazine. FHM ata yun hahaha (joke) "Ma sana marealize mo na first day of classes ngayon at pang umaga ako, so kung ako sayo ihanda mo na ang agahan at nanggigil na ako ngayon" sabi ko habang umaarteng nagagalit "ah ganun, paano kaya kung isampal ko ng sampung beses ang magazine na to sa mukha mo ng mahulasan ka sa panggigil mo?" sabi ni mama,habang papunta sa pwesto ko. "MA!! Joke lang ano ka ba, ako na maghahanda ano ba gusto mong almusal kare-kare, paella, sinigang?" hahaha sabi ko habang patakbong pumanta sa kusina. "Hala! ang shunga almusal ba yun? By the way may food na diyan kumain ka na lang, nauna na ang kuya mo sa university " sabi ni mama, habang patuloy na binasa ang magazine na hawak niya (feeling ko talaga FHM yun hahaha joke) By the way my father died two years ago, because of a heart failure para magsurvive nagwowork si mama ngayon sa isang advertising company. Ang kuya ko naman ay si Carlo Castillo isang 2nd year college student na kumukuha ng kursong engineering. Well, alam din nilang lahat na im not straight, im gay..Pero Hindi ako mahinhin, trip ko naman mag-itsurang lalaki. Thats what I like about them nirepseto nila yung desisyon ko at hindi nagbago ang pagtingin nila sa akin. After magalmusal, naligo na agad ako and nagprepare papunta sa school. Walking distance lang naman yun sa bahay, kaya nagtricycle ako hahaha, (tamad talaga ako maglakad e). Upon arriving sa school, hinanap ko muna ang ID ko bago pumasok sa gate. Habang hinahalughug ko ang bag ko (wow raid?). May narinig naman akong tawag nang tawag "Hoy" Di ko na lang pinansin, baka mamaya di naman ako yun. "Hoy" Hindi talaga ako yun, hindi naman HOY name ko e. "HOY!!" Aba with feelings na ang pagtawag niya sa akin ngayon. Talaga nga namang binabadtrip ako ng damuhong ito. Tatawagin mo na nga lang ako ng HOY ngayon sisigaw sigaw ka pa. Tinignan ko lang yung pinaggagalingan ng boses na yun. Ayoko inaaksaya yung boses ko sa mga ganung tao eh. "Buti naman lumingon ka?. " sabi niya . Aba maangas ang mokong, tinupi tupi pa yung manggas ng polo niya akala mo naman ikinagwapo niya yun....................(wala akong maisip.) "Oh?" Sagot ko na parang di interisado. "Saan ba dito yung room na ito?" pinakita niya sa akin ang isang papel. Pero dahil badtrip ako, at wala pa naman kami sa loob ng school ay isa lang ang sinagot ko. "Sa impyerno."   sabay alis at pasok sa loob ng gate. Bahala siya sa buhay niya,daming pagtatanungan ako pa inistorbo. Habang naglalakad papunta ng building naming, may narealize ako. "HALA! Parehas kami ng classroom." "wait baka naman, may hinahanap lang doon?"."Bakit nakauniform siya?" Patay mukhang magiging classmate ko pa ata ang mokong nay un. Haaaayy Upon arriving sa room naming, kaagad naman akong binati ng bestfriend ko na si Jaira, well kaibigan ko naman lahat ng classmates ko pero sanggang dikit ko talaga to e. Maganda naman si Jaira simple kung simple, pero napaka sarap kasama at malakas ang sense of humor.  "Craig, musta bakasyon? Namiss kita ha?" sabi niya habang pinapaupo ako sa tabi niya "Bangag ka ba?  Nasa bahay ka lang nung isang araw tapos miss agad?" sabi ko habang tinatawanan siya. "Shocks! hindi ako nainform." Sabi niya habang umaarteng nabigla "Di bagay, magtagalog ka na lang" sagot ko habang tumatawa Hindi na nakasagot si Jaira, ng bigla na lang may pumasok sa room na isang nagmamadaling lalaki .Akala ko nga najejevs na e. Pero kung minamalas ka nga naman tama ang hinala ko, si mokong pa ata magiging classmate ko.Pero dahil di ko trip makipag-away sa kanya, umiwas na lang ako ng tingin para di niya ko mahalata. Fighting is not my thing, wala pa nga akong nasusuntok e, takot din ako. Haha. After, 10 minutes, unti pa din ang dumadating sa classroom, medyo maaga pa kasi kaya tumulala muna ako sa bintana. Busy kasi si Jaira sa pakikipaghuntahan sa mga classmate naming babae. Nang may biglang bumulong sa akin. "HUMANDA KA, DI PA TAYO TAPOS!" shocks ang hina nga ng boses niya, pero kinilabutan naman ako. Pero ang bango ng hininga niya, ano kaya toothpaste nila?. Hindi ko na nilingon si mokong bakakasi kamao, sumalubong sa mukha ko e
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD