Natapos ang tagpong yun, at maya-maya lang ay tumunog na ang bell hudyat ng uwian namin. Masyadong nakakapagod ang araw na ito ,para tumambay at gumala pa. Tinadtad din kami ng mga assignments at research topics ng mga teachers namin. Nafefeel ko na ang pressure ng pagiging graduating student. "Akin na yung bag mo Craig" sabi ni Justine habang nagtatangkang kuhanin bag ko. "Whoaw, haha, ako na lang magdadala Justine. Lalaki naman ako e" nahihiya kong sagot sa kanya. Remember? ayoko nang masyadong tinatratong babae. "Yung akin na lang Justine, medyo mabigat e" sabi ni Jaira habang nagpapacute "Tumigil ka diyan Jaira, bagay naman sayo magdala ng marami e,balak ko pa ngang ipabuhat sayo tong bag ko e" basag agad ni Bob sa kanya. "maghanap ka nang kausap mo Bob" pagtataray ni Jaira sa kan

