Craig's POV: Sa itsura ni mama na ganun bigla na lang akong kinabahan. Parang unti-unting bumabagal ang oras , parang nagging tatlong minuto ang tatlong Segundo. Yung taong lumabas sa kusina, siya yung taong matagal nang hinahanap ng puso ko. Siya rin yung dahilan nang bawat pag-iyak ko. Siya yung taong binabalik-balikan ng isip at puso ko, pero siya yung taong hanggang ngayon mahal ko. Hindi ako makagalaw, nabigla, natulala, galit, sakit lahat na ng pwedeng negativity pumasok sa isip ko parang bigla na lang pumasok sa sistema ko l. Kasi bumalik yung eksenang sinabi niyang pinageksperimentuhan niya lang ako. Pakiramdam ko palaka ako sa isang laboratory na kinalkal niya lang para may matutunan at sa huli ay itatapon din. Hindi ako maiyak, gusto ko siyang sumbatan pero walang lumalabas na

