Hindi na ako nakapunta sa playground after nang paguusap naming ni Almira. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya pero dahil past na naman yun maybe kailangan kong kalimutan na lang yun. Siguro sa mga oras na to dapat nagmomove-on na ako, para hindi na ako masaktan. Ayoko namang habam-buhay na lang akong masaktan everytime naaalala ko yung pangalan niya. "Ma, buo ba tayo ngayon?" tanong ko kay mama habang nagluluto siya ng hapunan naming "Ay gusto ko to Craig, may drama moment tayo" natatawang sagot ni mama "Mama kasi seryoso. Do you think buo tayo?" seryosong tanong ko dito "Alam mo anak, wala man si papa mo na at ang kuya mo naman ay nasa LA, masasabi kong buong-buo tayo. Hindi naman yan lagi tungkol sa presence e. nasabi kong buo tayo kasi Masaya tayo, hindi ka nagugutom, ligtas ang kuy

