TWO

2389 Words
Gabi. Tatlong anino ang mamamataang nagtatago sa malalaking bato sa pampang ng Isla Buenavista. Sumilip ang isang anino at nang makitang natutulog ang guwardiya na nagbabantay sa pampang ay sumenyas ito sa dalawang kasama. Mabilis ang naging kilos ng tatlong anino. Paminsan-minsan ay tumitigil upang magtago sa mga bato at puno. Maingat na binaybay ng tatlong anino ang daan patungo sa mansiyon ni Trail Buenavista, at nang makarating sa destinasyon ay ngiting tagumpay ang mga ito. Mas lumaki pa ang ngiting iyon nang makita ng isa sa mga ito ang isang mababang bintana na maaring pasukan. “Buhatin niyo na ko,” bulong ni Sue habang palinga-linga sa paligid. Mahirap na at baka mahuli pa sila ng sandamakmak na guwardiyang maingat nilang pinagtaguan. Kung ayaw lumabas sa lungga ng Trail Buenavista na iyan, siya mismo ang gagalugad sa lunggang pinagtataguan nito. “Sigurado ka na ba talaga dito, Ate?” napakamot sa ulo na bulong ni Kael. “Oo nga. Ano ka ba Kael. Wag mo na kong tanungin basta tulungan niyo na lang akong makapasok dun,” itinuro niya ang maliit na bintana. Nagkatinginan na lang ang kambal, pagkatapos ay tinulungan siyang makaakyat sa bintana. Ngiting aso siya mang maipasok nang maipasok ang kalahati ng katawan sa maliit na bintana. Ngunit bago pa tuluyang maipasok ang katawan, nalaglag ang may kabigatan niyang bakya. Hayun at sapul sa ulo si Kiko. Sumilip siya sa bintana. Matalim itong nakatingin sa kaniya habang hinihimas ang ulo. Nag-peace sign siya bago ihinulog ang isa pang bakya. Paniguradong lilikha ng ingay iyon dahil di-tiles ang sahig. Baka mabulilyaso pa ang plano nila. Nasalo naman iyon ni Kael. Sinenyasan niya ang mga ito na umalis na. “Sige na! Keribumbum ko na to. Bukas ng hapon niyo na ako sunduin,” may kalakasang bulong niya. Sapat lang para marinig siya ng mga kapatid. “Mag-ingat ka diyan ha, Ate,” paalala naman ni Kiko. “Susunduin ka kaagad namin bukas,” tumango-tango siya sa mga kapatid bago tuluyang nagsuot ang mga ito sa puno at nawala sa dilim. Jusko, Lord. Ikaw na pong bahala sakin. Maingat siyang naglakad, mabuti na lamang talaga at hinubad niya ang bakyang suot kanina. Kusina pala ang napasukan niya. Walang ingay siyang lumabas doon at tumambad sa kaniya ang malaking sala. Muntik nang lumaglag ang panga niya sa ganda niyon. Hindi ito ang oras para mabighani ka, Pursue. Tandaan mo, matandang gurang ang nakatira dito. Balak niya itong kausapin ng masinsinan. Ngunit hindi naman iyon mangyayari kung palagi lang itong nasa loob ng engrande nitong mansiyon. Tsaka mabilis lang naman pakiusapan ang mga matatanda diba? Sana nga. Mabuti na lamang talaga at nakakulay dark blue siyang bestida na minana pa niya kay Nanay Lita. Mukhang pang-nanay iyon, pero parang sundress lamang nung siya na ang nagsuot. Hindi siya agad mapapansin sa dilim, lalo na at nakapatay ang ilaw sa buong kabahayan. Karamihan sa mga bukas na ilaw ay dim light lang. Isa-isa niyang sinubukang buksan ang mga kuwarto sa unang palapag. Ngunit lahat iyon ay naka-lock. Napasimangot siya. “Ang daming kuwarto, wala namang gumagamit,” bulong niya sa hangin. Walang ingay niyang tinungo ang ikalawang palapag ng mansiyon na iyon. At kagaya nang ginawa niya sa una. Isa isa din niyang binuksan ang mga kuwartong nandoon. Malaki ang ngiti niya nang mapihit ang doorknob ng nasa dulong kuwarto. Yes! Nagdiwang ang kaniyang isip. Marahan niyang binuksan ang pinto at isinara iyon. Bahagya pa siyang natigilan nang manuot sa ilong niya ang mabangong amoy na panglalaki. Akala ko ba mabaho ang matandang ito? Ngunit nagpapasalamat na din siya na hindi ito mabaho gaya ng chismis sa kaniya ni Goring. Ang baklitang chismosa ng kanilang isla. Madilim ang kabuuan ng kuwarto dahil dim light lamang din ang bukas na ilaw doon. Namangha siya sa laki ng kama at sa gitna niyon, isang nakatalikod na lalaki sa direksiyon niya ang natutulog. She tiptoed. Dahan dahan siyang lumapit sa lalaki. Nakahanda na siyang yugyugin ito nang bigla itong humarap sa direksiyon niya. Tumigil sa ere ang kamay niya. Tumigil din yata sa pagtibok ang puso niya. Isang kalahi ni Adonis ang natutulog sa kama. Parang hinulmang machete ang mukha nito. At kahit bahagyang nakakunot ang noo nito ay dumagdag pa ito sa kaguwapuhan ng binatang natutulog. Hindi niya mapigilang sipatin ang mukha nito. Parang gusto niya iyong memoryahin. Sino ang guwapong ito at nasaan ang matandang ugod na hinahanap niya? At nang marealize niya ang ginagawa, agad siyang lumayo dito at tinungo ang pinto. Ngunit huli na. Bago pa man niya iyon mabuksan ay dumagundong na ang galit na boses nito sa bawat sulok ng kuwarto. “Who the hell are you?!” agad siyang napalingon dito. At bago pa man siya makasagot, tumama na sa ulo niya ang nahablot nitong vase na nakapatong sa side drawer. Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag niyon. Mahilo-hilo niyang nasapo ang ulo, at dahil nakayapak, napaigik siya nang maapakan ang ilang pirasong bubog. Napasalampak siya sa sahig. “Aray ko!” tumama ang pang-upo niya sa sahig. s**t! Hindi niya malaman kung ano ang uunahin: ang mahilo-hilong ulo, ang dumudugong talampakan, ang masakit na pang-upo o ang pagsakal sa guwapo sana ngunit demoniyong lalaking bumato sa kaniya ng vase. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng ilaw sa buong kuwarto. Kumalat ang liwanag sa bawat sulok niyon. Napaiyak siya sa sakit na dulot ng dumudugong paa. “I said who the hell are you?!” sunod sunod na yabag ang narinig niya patungo sa direksiyon niya. Napaigik siya nang hablutin ng lalaki ang buhok niya. “What are you doing in my house--” Natigilan ito nang magtama ang mga mata nila. “What the hell, crazy woman?” walang sere- seremoniyang binuhat siya nito. Naramdaman na lamang niyang umangat siya sa ere hanggang sa idiniposito siya ng binata sa malambot nitong kama. *** Hindi namalayan ni Sue na nakatulog siya. Salamat sa malambot at mabangong kama ng guwapong estranghero. Nagulat na lamang siya kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Masakit pa din ang paa niya dahil sa naapakang bubog. Ngunit may benda na iyon. At wala namang ibang gagawa niyon kundi ang estrangherong nadatnan niya kagabi. Hm. May puso din naman pala ang demonyitong iyon. Nilibot pa niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto para hanapin ito. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Dahan-dahan niyang iniapak ang paa sa carpeted na sahig. Bahagya pa siyang napaigik nang sumalakay ang mumunting sakit doon. Tinungo niya ang isang pinto doon na pakiwari niya ay banyo. At hindi nga siya nagkamali. Dahil nang buksan niya iyon, tumambad sa kaniya ang malaki at maaliwalas na banyo ng kuwartong iyon. Hindi niya maiwasang mamangha dahil halos kasinglaki na iyon ng bahay nila sa isla. Naghilamos at nagmumugo siya sa sink doon at paika-ikang bumaba sa unang palapag ng mansiyon. Saan naman kaya kasi nagtungo ang lalaking iyon? Napatigil siya sa paglakad nang madaanan ang isang malaking larawan ng guwapong lalaking nakita niya kagabi. Nakasabit iyon sa dingding ng pasilyo. Hindi siguro niya iyon napansin kagabi dahil nakapatay ang ilaw sa kabahayan at mga tanging dim light lang ang nakabukas. Pinakatitigan niya ang larawan. Kuha iyon sa loob ng isang opisina. Nakaupo ang lalaki sa swivel chair at seryosong nakatitig sa kamera. Pakiramdam tuloy niya ay nakatitig din sa kaniya ang larawan. He looked intimidating in the photo. Ngunit nakadagdag pa sa kaguwapuhan nito ang seryosong hitsura. Slightly thick eyebrows. Proud and pointed nose. Chiseled jaw. Sexy lips. He is a synonym of drop-dead gorgeousness. Ito siguro ang anak ni Trail Buenavista. Natigilan siya. Kung nandito ang anak ng negosyante, e nasaan naman kaya ang pakay niya? Napakamot siya ng ulo. Sana hindi siya sinumbong ng lalaking iyon sa tatay nito. Baka magulat na lang siya at kinakaladkad na siya palabas ng mansiyon. Agad siyang napalinga sa kung saan nang makarinig ng ingay. Ano kaya iyon? Sinundan niya ang pinanggagalingan ng tunog at tumigil ang mga paa niya sa tapat mismo ng kusina kung saan siya dumaan kagabi. Dahan dahang sumilip siya doon. At ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makita ang lalaking nakatalikod sa gawi niya at mukhang nagluluto. Wala itong suot na pangtaas at ang pangbaba naman nito ay ang guhit guhit na panjama na kung hindi siya nagkakamali ay suot nito kagabi. Naka-apron din ito dahil kita niya ang buhol niyon sa likod ng binata. Damn that sexy back! Hindi niya mapigilang hindi mapatitig sa sexy nitong likod. She can see how his muscles are flexing and she felt the urge to touch it. Nako-corupt yata ang isip niya. At bago pa siya makapag-isip ng kung anu ano ay tumigil na siya sa pagtitig sa matitipuno nitong likod. Sumandal na lamang sa dingding at pumikit para pakalmahin ang sarili niya. “What are you doing here, huh?” halos mapatalon siya sa gulat nang makaramdam ng paghinga sa pisngi niya. Her eyes flew open. At nahigit ang kaniyang paghinga nang tumambad sa kaniya ang guwapong mukha ng lalaki. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila at hindi niya mapigilang mapatitig sa abuhin nitong mga mata. His grayish pupils are beautiful. She can see how they are dilating. And it is hypnotizing her. Pakiramdam niya, sasabog ang puso niya anumang oras lalo na nang dumako ang bibig nito sa tenga niya. Ramdam na ramdam niya ang paghinga ng binata doon at nagbibigay iyon sa kaniya ng kakaibang sensasyon. Nakikiliti siya na hindi niya maipaliwanag. “Breathe, crazy,” anas nito sa tenga niya pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Sigurado siyang pulang-pula na ang magkabila niyang pisngi. Bwisit naman o. Nakakahiya. At bakit ba siya nito tinatawag na ‘crazy’? Gusto niya itong sakalin sa hindi malamang kadahilanan. Siguro pambawi na lang sa inabot niya dito kagabi. “Follow me,” muling sabi nito bago tuluyang pumasok sa kusina. Hinintay muna niyang maging normal ang iradikal na pagtibok ng kaniyang puso bago niya sinundan ang binata. Ilang ulit siyang huminga ng malalim. Naabutan niyang hinuhubad nito ang apron sa suot. Napaawang ang labi niya. Kung sexy ang likod nito, mas sexy ang dibdib nito! Pakshet na lalaki ito. Mukha itong model dahil sa walong pandesal nito sa tiyan na tila kaysarap kainin. Abs! “Eyes up here, crazy,” natauhan siya nang marinig ang boses nito. Agad namang tumaas ang tingin niya sa mukha nito. Nagtama ang mga mata nila. And something flashed into his gray eyes. Is that desire? Ngunit agad ding nawala iyon. Ipinilig niya ang ulo namamalik-mata yata siya. “Stop drooling on me,” tumalim ang tingin niya dito pero sa katotohanan ay muntik muntikan na talagang tumulo ang laway niya. Damn this man for looking so undeniably hot! Ngunit hindi pinansin ng binata ang matalim niyang tingin. Prente itong naupo at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato. Natigil sa ere ang pagsubo nito ng kanin nang mapansing hindi pa din siya bumabago sa puwesto. “Why on earth are you still standing there, crazy?” nakakunot ang noo na tanong nito. “Eat.” “Ha?” “I said eat. Before I change my mind and eat you instead.” Namilog ang mga mata niya at mas mabilis pa sa kidlat na tinungo niya ang upuan sa harap ng binata at walang habas na nilagyan ng pagkain ang plato na nasa tapat niyon. Sinimulan niya iyong kainin at bahagyang napapasulyap sa binata. Nahiya siya nang makitang hindi ito kumakain at nakapalumbaba lang sa mesa habang pinapanood siya. She became conscious of herself. Anong problema nito? Tikom ang labi ng binata at walang kangiti-ngiti sa mukha nito. But his eyes are dancing in amusement while looking at her. Naka-drugs ba ito? Sabog yata ‘to e. Ipinilig niya ang ulo. Mukha namang hindi dahil matino naman ang hitsura nito. Kung anu-ano na namang pumapasok sa malikot niyang utak. Nilunok niya ang pagkain. “Bakit ka ganiyan makatingin--” “Does your foot still hurts?” natigilan siya sa tanong nito, pero agad ding nakabawi at pinakiramdam ang sariling paa. “Ah. Medyo masakit pa.” “I won’t say sorry. That's your fault for breaking in,” relax itong kumain. Humigpit ang hawak niya sa tinidor at baka maitarak niya iyon sa leeg ng hudyong nasa harapan niya. She just secretly rolled her eyes. “Why the hell did you broke in anyway?” Doon bumalik sa isip niya ang totoong pakay sa mansiyon na iyon. “Kailangan ko kasi makausap ang tatay mo,” naibaba nito ang kubyertos na hawak at kunot ang noo na tumingin sa kaniya. “And why the hell is that?” siya naman ang bahagyang kumunot ang noo sa tanong nito. Hindi ba nito kayang magsalita nang walang kasamang ‘hell’? “E kasi gustong bilhin ng gurang mong tatay na si Trail Buenavista ang maliit na isla namin.” “WHAT?!” dumagundong ang galit na boses nito sa apat na sulok ng kusina. Natutop niya ang bibig. Gusto niyang batukan ang sarili para sa pagtawag niya ng ‘gurang’ kay Trail Buenavista sa harap ng anak nito. “Kuwan… ah… yung tatay mo kamo. Hehe. Gustong bilhin ang isla namin. Makikiusap sana ako na wag na niya ituloy.” His face darkened. Kitang kita niya kung paano nito nakapikit na hinilot ang sentido. “And why do you think Trail Buenavista is my father?” may diin na tanong nito. Napamaang siya. “Bakit? Hindi ba? E ano ka pala niya? Pamangkin? Pakiusap naman o. Sabihin mo sa tito mo wag na bilhin ang isla namin. Tsaka sorry kung tinawag kong gurang ang mabahong uugod-ugod na iyon--” Halos mapatalon siya sa gulat nang malakaa na ibinagsak nito ang kamay sa mesa. At walang sere-seremonyang naglakad palapit sa kaniya. Natakot siya sa matalim na matalim nitong tingin. Hinapit nito ang bewang niya at hinatak siya patayo. Naging iradikal na naman ang takbo ng puso niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Ngunit ang sumunod na sinabi ng guwapong binata ang nagpamaang lalo sa kaniya. “I am Trail Buenavista, crazy woman. And you’ll pay for calling me old stinky jerk!” Ano daaw? E akala ba niya matandang mabaho ang negosyanteng iyon?! Humanda ka sakin Goring dahil sa mali mali mong chika!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD