ONE

2480 Words
“Don’t you dare apologize to me! I don’t need your sorry! What I need is for you to pass me a report and explanation why the f**k our products did not reached Taiwan!” galit na ibinagsak ni Trail ang mga kamay sa mesa. Tila natakot naman ang head ng Marketing Team. “Y-yes, Sir, I’ll pass it by tomorrow.” He pinched the bridge of his nose. Ang pinaka-kinaiinisan niyang bagay ay yung mga walang kuwenta. At na-aapply din iyon sa tao. “Ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo at ayaw ko ng mauulit pa ito. You are now all dismissed. Meeting adjourned.” “Thank you, Sir.” “Salamat, Sir. “Thank you po, Sir Trail.” Mabilis na nagsilabasan ang mga empleyado niya. Lahat ay takot mabalingan ng galit niya at mapaalis sa trabaho. Hindi lingid sa kaalaman niya na ilan sa mga empleyado niya ay binansagan na siyang Firing Freak. Dahil madalas siyang magtanggal ng trabahador lalo na kung wala namang silbi ang mga iyon. Magmula nang umalis siya sa puder ng mapagkontrol niyang mga magulang ay siya na ang mag-isang nagtayo ng Buenavista Fisheries. Gamit ang ipon niya mula kolehiyo, binili niya ang isang maliit na isla na nasa dulong parte na ng Pilipinas at halos parte na ng Malaysia, at nagtayo ng sarili niyang kumpanya. Tila sinusuwerte din naman ang negosyo niya, ang isla ay mayaman sa mga pagkaing dagat at iyon ang produktong ineexport nila sa iba’t ibang parte ng Asya at Europa. Sumikat din ang islang iyon sa ilalim ng pangalan na Isla Buenavista, kaya naman binili na din niya ang iba pa nitong kalapit na isla at nagtayo ng private beach resort at hotels doon. Maraming mayayamang negosyante na gustong mag- island hopping at magrelax ang nagpapareserve sa resort nila. At ngayon, katulong na niya ang mga kapatid na Chase at Cruel sa pagpapatakbo ng isla. Kaya wala siyang takot kahit na hindi siya madalas magpunta sa katabing isla, alam naman niyang pinatatakbo iyon ng maayos ng mga kapatid. Ihinilig niya ang likod sa swivel chair. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng coat na suot at dinial ang numero ng kaibigan. Matapos ang ilang rings ay sumagot iyon. “Hello, Mirkov?” “Hello, Trail, my man. What's the matter?” direct to the point na tanong nito. Mirkov Thalassa owns the largest cruise ships in the world at halos hindi na mabilang ang mga pag-aari nitong barko. Isa ito sa mga malalapit niyang kaibigan at ito rin ang madalas na tumutulong sa kaniya sa tuwing nagkakaroon sila ng problema sa pag-eexport ng mga produkto. He sighed. “We had a problem in exporting our giant lobsters. Help us, please?” “s**t, don't use the word ‘please’ okay? You are giving me creeps.” “You're an asshole.” “I know, fucker. Anyway, I’ll just lend you a ship. Naririto pa ako sa Cambodia kaya baka hindi ako makapaghatid nun. Ipapahatid ko na lang sa mga tauhan ko. Matagal tagal pa akong babalik diyan sa Pilipinas.” “Okay, malunod ka na sana diyan.” “Same to you, dude. Good bye and you are f*****g welcome,” ibinaba na niya ang tawag. He sighed. Ito ang stress na idinudulot sa kaniya ng kumpanya, kaya naman he always hire the best employees and discard the undervaluable ones. Iyon ang naging susi ng tagumpay ng kumpanya niya. Tinungo niya ang malaking glass window sa kaniyang opisina. There, he stand like a king. Mula doon ay kitang-kita niya ang kabuuan ng isla at mga karatig pang isla. Maging ang mataas na building ng Buenavista Fisheries, warehouse at factory ay kita din niya. And he always feel proud whenever he sees it. Iyon ang bunga ng paghihirap niya. Ito rin ang advantage ng pagpili niya sa sariling kalayaan: ang malayo sa mapagdikta niyang mga magulang at ingay ng siyudad. This island is his life now. Ang opisina talaga niyang iyon ay nasa loob ng kaniyang mansiyon. May opisina din naman siya sa Buenavista Fisheries building, pero mas pinipili niyang ipatawag na lamang ang mga empleyado niya. Gamit ang mga golf cart ay tinatahak ng mga empleyado niya ang isla patungo sa mansiyon niya sa tuwing nagpapatawag siya ng meeting. Ipinatayo niya ang mansiyon na iyon sa gilid ng bundok at nakaharap sa dagat. The sea is his calming place, kaya palagi niya iyong gustong nakikita. Mula sa baba ng bundok ay may naghihintay na mga karwahe. Iyon ang maghahatid sa mga empleyado niya paakyat ng bundok patungo sa mansiyon. The mansion is his home now. It is his empire, his palace, and his comfort zone. Mahigpit din ang seguridad doon kaya hindi basta basta makakapasok ang kung sino lalo na iyong mga hindi naman kliyente ng isla niya. He doesn't have any problem when it comes to safety dahil hindi mabilang ang mga guwardiya na nagkalat sa iba’t ibang parte ng isla, sa vicinity ng mansion niya, at palibot sa bundok. Ang iba ay nakasuot pa ng pang- sibilyan at hindi aakalain ninuman na mga guwardiya pala. Napakunot ang noo niya nang mamataan ang isang maliit na bangka na dumaong sa pampang. Mula doon ay bumaba ang dalawang tao. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Nakita kung paano lumapit dito ang ilan sa mga guwardiya niyang nakabihis sibilyan. Tila nag-uusap ang mga ito. Hanggang sa ang pag-uusap niyon ay tila naging isang argumento. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang makita na parang nagkakaroon na ng komusiyon sa pampang. Kinuha niya ang teleskopyo at itinapat niya iyon sa kaninang tinitingnan. Isang babae ang matapang na nakikipagsagutan sa mga guwardiya niya, habang ang kasama nitong binatilyo ay nasa likod lamang nito at tila pinipigilan ang galit na babae. Hindi niya mapigilang itutok ang tingin sa galit na babae. Izinoom-in pa niya ang teleskopyo. Kahit bahagyang nakatagilid sa gawi niya ang babae ay kitang-kita niya ang hugis puso nitong mukha. At dahilan mataas na ang sikat ng araw, natural ang pakukulay-pink ng magkabila nitong pisngi. Bilugan din ang mga mata nito na pinartneran ng malalantik na pilikmata. Her nose is proud and pointed, and those lips… it's luscious. Mamula-mula iyon at tila kay sarap halikan. Shit! Kung ano-anu na yatang pumapasok sa isip niya. Ipinilig niya ang ulo. Those kinds of beauty are the most dangerous ones. Women are such a pain in the ass. Napailing-iling na lamang siya. Nabaling ang atensiyon niya sa pagtunog ng telepono sa kaniyang opisina. Agad niyang nilapitan iyon at sinagot. “Yes?” “Ah, Sir Trail. May babae pong nagwawala dito. Gusto daw po kayong makausap,” dinig niyang sabi ng isang lalaki na paniguradong isa sa mga guwardiya niyang umaawat sa magandang babae. “Kailangan kong kausapin yang boss niyo! Iharap niyo siya sakin!” dinig niyang sigaw sa kabilang linya. Parang baliw siyang napangiti nang marinig ang galit na boses ng dalaga. Prente siyang naupo sa swivel chair at relax na sumandal. “Ano ba! Ilabas niyo sabi yang boss niyo! Kundi ako mismo magha-hunting sa kaniya kung saan man siya nagtatago!” muntik na siyang matawa sa sinabi nito. As if she can hunt him down on his mansion. “Sir?” untag sa kaniya ng guwardiya. “Make her leave. Forcefully or anything. I don't care. Don’t let the commotion there affect my business.” “Roger, Sir!” “Wag mong ibaba itong tawag habang pinapaalis niyo siya,” sa hindi malamang kadahilanan ay parang gusto pa niyang marinig ang magiging reaksiyon ng dalaga habang pinapaalis ito sa isla niya. “Yes, Sir!” “Miss. Huwag po kayong gumawa ng gulo dito--” “Hindi ako gagawa ng gulo kung ihaharap mo sakin yang boss mo!” “Miss, umalis na po kayo!” “Ano ba! Binatawan niyo ko! Huwag mo akong hawakan!” kumunot ang noo niya nang marinig iyon. Something inside him was madly awakened. He gritted his teeth. “I told you to make her leave but not to f*****g touch her. I’ll cut off the hands of those who touched her especially with bare dirty hands!” Fuck! That is not so him. *** Piniksi ni Sue ang braso. “Ano ba! Binatawan niyo ko! Huwag mo akong hawakan!” Bigla na lamang siya binitawan ng mga ito. Kitang-kita niya kung paano nagsuot ang mga guwardiyang iyon ng makapal na gloves bago siya sapilitang pinabalik sa maliit nilang bangka. Mas lalong nag-init ang ulo niya. Ano bang tingin ng mga ito sa kaniya? May nakakahawang sakit? Kumulo ang dugo niya. Akmang susugudin na naman niya ang mga ito nang pigilan siya ni Kael, ang nakababata niyang kapatid na lalaki. “Tara na, ate. Tama na yan. Mukhang wala naman dyan yung boss nila. Bumalik na lang tayo sa ibang araw,” bahagyang hinatak nito ang braso niya kaya wala na siyang nagawa kundi magpatianod na lamang dito. “Ang sabihin, ayaw lang talaga magpakita ng matandang uugod-ugod na yon!” nanggagalaiting sabi niya bago sumakay sa munti nilang bangka. Hanggang sa makauwi sila sa kabilang isla ay hindi pa din mawala ang inis niya. Naabutan nila ang Nanay Lita nilang naghahain ng pananghalian. Ito ang kapitana ng maliit na isla nilang iyon. “Nay, nakauwi na po kami,” bati niya bago nagmano sa nanay-nanayan. “Mano po, Nay,” nagmano din si Kael. “O, anak. Nandiyan na pala kayo. Kain na,” nakangiting sabi nito. Umupo siya sa harap nito at nagsimulang magsandok ng kanin. “Nasaan po si Kiko?” tanong niya. Ito ang kakambal ni Kael. Parehong bente-anyos na ang kambal at nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa kursong Agriculture and Fisheries. Habang siya ay bente-otso na. Dahil mahirap ang buhay sa isla, nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo nang tumigil siya sa pag-aaral para makapagpatuloy ang dalawang kapatid. Pero para makatulong sa kaniya sa pagbebenta ng isda sa palengke ay parehong iregular na estudyante ang mga ito. Nasa junior highschool na siya noon nang aminin ng Nanay Lita niya na hindi talaga siya anak nito. Nakuha lamang daw siya ng asawa nitong si Tatay Gibo na nasa isang malapad na kahoy at palutang lutang sa dagat nang minsang magdamag itong nasa laot para manghuli ng isda. Dahil hirap magkaanak, kinupkop siya ng mga ito. Walong taong gulang siya nang milagrong nagkaanak pa ang mga kinagisnan niyang magulang, at kambal pa. Kaya nga lamang, pitong taon ang lumipas, namatay sa atake sa puso ang Tatay Gibo niya. “Aba’y nasa bayan pa. Sumideline ng pagkakargador, anak. Pauwi na din iyon. Nagtext sa akin kanina,” sagot nito bago siya nilagyan ng pritong galunggong sa pinggan. “Salamat, nay.” “Ano nga palang nangyari sa pagpunta ninyo sa Isla Buenavista, anak? Nakausap mo ba ang boss nila?” tanong nito na ikinabalik ng inis niya. “Hay naku, nay. Ayun, nakipag-away siya sa mga guard dun. May pagka-war freak talaga,” si Kael ang sumagot. “Sinong war-freak?” tanong ni Kiko na kakapasok lang sa pinto nilang kawayan. “Mano po, Nay.” Umupo ito sa tabi niya at nagpunas ng pawis gamit ang panyong nakapalibot sa noo nito. “Itong si ate. Nakipag-away sa mga guwardiya sa Isla Buenavista.” “E sinong nanalo, ate?” Ngumisi lang si Kiko sa kaniya. Mas matanda ito ng ilang minuto kay Kael. Magkamukha din ang dalawa. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay ang maliit na pilat ni Kiko sa noo nito na tinatakpan nito ng buhok. Nakuha ito ng binatilyo magkaroon ng bagyo at nadaanan ang isla nila matagal na panahon na ang nakakaraan. “Yung mga guwardiya!” naiinis na sabi niya. “Pinagtulungan nila ako e!” ipinagsandok niya ng kanin si Kiko. “Naku sa susunod, galingan mo pa. Para manalo ka!” ginulo nito ang buhok niya. Kahit mas matanda siya sa mga ito, parang magkakasing edad lamang sila kung ituring ng mga ito, at minsan parang mas matanda pa ang mga ito sa kaniya kung mag-isip. Nagpapasalamat din siya at parang totoong kapamilya ang naging turing ng mga ito sa kaniya. “Hay nako, Kiko. Wag mo nang kunsintihin yang ate mo. Kumain ka na lang diyan,” untag ni Nanay Lita. “Opo, Nay,” but Kiko wiggled his eyebrows on her. Pabirong kinurot niya ito sa tagiliran na tinawanan lang nito. “Sa susunod na punta ko doon, Nay, sisiguraduhin kong sasampalin ko ng isang damakdak na bangus ang pagmumukha ng matandang mabahong Mr. Buenavista na iyon!” nakasimangot na sabi niya. Noong isang araw lamang ay ibinalita sa kanila ng Nanay Lita niya na balak bilhin ng isang matandang negosyante ang kanilang isla, na nagngangalang Trail Buenavista. Nagkagulo ang mga mamamayan ng maliit nilang isla sa barangay hall. At dahil ang mayor ng kanilang bayan ang opisyal na may-ari ng islang iyon, wala silang nagawa nang ibenta iyon ng ganid nilang mayor at ngayon ay pinaalis na sila doon. Bilang kapitanang namumuno sa isla, sinubukan nila ng Nanay Lita niya na kausapin ang Mayor. Ngunit pinagtabuyan sila ng mga ito. Kaya ngayon, pare-parehong nanganganib na walang matirhan ang mga tao sa isla. Kakaunti na lamang ang mga tao sa isla, karamihan ay bata at matatanda. Iyon kasing mga kasing-edad niya ay nakikipagsapalaran sa buhay sa Maynila, at hindi na muling bumabalik pa. Wala din kasing permanenteng kuryente sa isla. Halos nasa dulong parte na iyon ng Pilipinas at hirap makapasok ang mga kumpaniyang nagsusupply ng kuryente. Generator ang ginagamit nila para sa kuryente, at kapag naubos na ang krudo na nagpapagana doon, ilang araw pa ang hinihintay nila para sa supply ng krudo na nabibili nila sa mga karatig na isla. Minsan ay inaabot pa ng buwan ang paghihintay. Kaya sa tuwing walang kuryente, nagtitiyaga ang mga tao doon sa gasera, na nagpapahirap din sa buhay ng mga estudyante. Ang mga paaralan sa kanila ay hanggang senior highschool lamang. Kung papalarin na makapag-kolehiyo, kailangan pang bumiyahe papunta sa karatig na isla. Maliit lang din ang ospital. Hindi kumpleto ang mga gamit at iilan lamang ang doktor at nurse. Kaya malaki ang pasasalamat nila sa tuwing may makakapansin sa isla nila na mga hospital ship at nagsasagawa ng medical mission doon. Dahil sa kawalan ng gamot at mga gamit sa ospital, sakit ang karaniwang ikinamamatay ng mga tao doon. Iyon pa nga lang, mahirap na para sa mga taga-isla. Paano pa kaya kung paalisin na sila doon. Saan na sila pupulutin pare-pareho? Ang dagat lang ang ikinabubuhay nila. Kaya naman ngayon, isa na lamang ang naiisip niyang gawin. At iyon ay kumbinsihin si Trail Buenavista na huwag silang paalisin sa isla nila, na mukhang suntok pa yata sa buwan dahil mukhang takot sa tao ang negosyanteng iyon. She mentally pulled her hair. Bakit ba kasi nagtatago ang matandang mabahong iyon sa pagkalaki-laki nitong mansiyon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD