FIVE

2488 Words
Wala pang dalawampung minuto ang nakalipas nang dumaong ang yate na lulan si Trail sa islang kabibili lamang niya kay Mayor Lagdameo. Dahil malapit lamang ang maliit na isla na iyon sa Isla Buenavista, saglit lamang ang naging byahe nila. Bumaba sila ni Chase sa kahoy na daungan na mukhang may katandaan na. “Just wait here,” bilin nito sa isa sa mga guwardiyang kasama nila. “And you, come with us.” Agad namang tumalima ang dalawa sa inutos ng kapatid niya. “This island is really small, yet beautiful,” komento ni Chase nang makita ang matataas na punong niyog at ang puting buhangin. Di kalayuan sa kinatatayuan nila ay may isang maliit na bangka na nakatali sa puno ng niyog at di kalakahing bahay na gawa sa sawali at mga kawayan. Walang imik siyang naglakad at sinipat-sipat ang paligid habang si Chase at ang isang guwardiya ay nakasunod lamang sa kaniya. Nakarating sila sa grupo ng mga kalalakihang nagkukumpulan sa isang terminal at kumakain ng tinapay. Mukha itong mga drayber. Ngunit kumunot ang noo niya nang makitang hindi naman sasakyan ang minamaneho ng mga ito. “What are those?” tanong niya sa kapatid at itinuro ang mga nakaparadang bisikleta na dinugtungan ng bakal na upuan na kasya ang dalawang tao kaya naman naging tatlo ang gulong niyon. Nangangalawang na ang iba niyon at pare-parehong walang bubong. Napailing-iling na lamang sa kaniya si Chase. “That's what you get for hiding inside your mansion for too long.” “Shut the f**k up, Chase.” “Those are called pedicabs. Iyan ang sasakyan natin para makapunta sa barangay hall. I already called the Barangay Chairman of this island. They are already prepared for the meeting.” “Okay.” Nagpatiuna sa paglalakad ang kapatid niya at ito ang kumausap sa drayber na maghahatid sa kanila sa barangay hall. Dalawa sila ni Chase sa isang pedicab at mag-isa naman ang guwardiyang nakasunod sa kanila sa isa pang pedicab. “What’s happening there?” mausisang tanong ni Chase nang makita ang kumpol ng mga naghihiyawang tao tapat lang mismo ng nadaanan nilang palengke. “Manong, hinto ka muna,” utos nito sa may katandaang lalaki na nagpepedal ng pedicab. Bored niyang sinundan din ng tingin ang tinitingnan ng chismosong kapatid. Halos mamilog ang mga mata niya nang makita ang isang pamilyar na babae sinasabunutan ng isa pang babae na hindi niya kilala. What the heck? “Pursue?” “What did you say, Kuya Trail?” hindi niya pinansin ang tanong ng kapatid at nagmamadaling bumaba ng pedicab. Lakad takbo siyang nagtungo sa nagkukumpulang mga tao at nakisiksik sa mga iyon. Muntik na siyang matawa nang makita ang dalaga na nakaupo sa tiyan ng babaeng kaaway. Sinasampal nito ng bangus ang makabilang pisngi ng kaaway na mas lalong nagpa-ingay sa mga tao doon. “Pffft. She really is a crazy woman. Freaking crazy!” “Boss, Boss. Tataya ka ba?” tanong sa kaniya ng isang binatilyo na may hawak na tara ng kiluhan. Sa ibabaw niyon ay may pera na tingin niya, naipong taya ng mga tao doon. “What the hell is this?” “Ah Boss. Sabong po ito ng mga tao,” sagot sa kaniya ng binatilyo. “Kung ako sayo, Sir, tataya ako sa babaeng may bangus. Ate ko yan e, magaling mag-judo karate yan. Lagi nga akong kinakarate niyan e!” Ito siguro ang sinasabi ng dalaga na isa sa mga kapatid nitong lalaki. He tried to suppress his laugh. This guy is crazy too just like his sister. Damn this crazy family! “Okay, I’ll bet. I’ll go with your sister. Make sure that she'll win.” “Areglado yan, boss! Expert yang ate ko sa paggamit ng isda bilang animal weapon! Tumba lahat ng kalaban pag bangus na ang gamit niyan!” Tatawa-tawa na lamang siyang kumuha ng isang libong cash mula sa wallet at inilagay iyon sa ibabaw ng tara na hawak ng binatilyo. “Laki ng taya mo, boss. Mukhang malaki ang tiwala mo sa ate ko ah!” tumalikod na ito at sa ibang tao naman na nandoon ito nangolekta ng taya. He let off a wide smile while looking on the raging face of Pursue. “Yeah… Maybe I trust her now.” Kitang-kita niya kung paano umalis si Pursue mula sa pagkakaupo sa tiyan ng kaaway at hinihingal na ibinagsak sa lapag ang hawak na bangus. Pumalahaw ng maarteng ngawa ang babaeng may bakat na ng bangus sa namumuti nitong mukha. “Owhemgee, Sissy Goring! Ang awtpit ko is so mahabo na! Ipaghiganti mo ko! Ipaghiganti mo ko!” Nag-isang linya ang kilay niya nang makita ang tinawag nitong Goring na matalim ang titig sa dalaga at akmang susugudin ito. Umalis siya sa pakikipagsiksikan at hinatak ang braso ng dalaga. Itinago niya ito sa mga bisig kaya sa likod niya lumanding ang bag na ihahampas dapat dito. Natahimik ang crowd na hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Nag-angat ang dalaga ng tingin sa kaniya. Namimilog ang mga mata nito nang magtama ang paningin nila. “Lolo!” What the f**k did she just freaking called me? Matalim ang tingin na ipinukol niya dito at natutop naman nito ang bibig. Hindi yata matatapos ang araw na ito na hindi siya matutuyuan ng dugo sa babaeng ito. “Hihi. Peace tayo,” bahagya itong humiwalay sa yakap niya. “Teka lolo-- hehe Mr. Buenavista pala. Ano nga palang ginagawa mo dito?” inosente namang tanong ni Sue. Everyone gasped after hearing what she said. Umugong ang bulong-bulungan sa paligid. “Akala ko ba matanda na daw si Mr. Buenavista?” “Iyan nga din ang chicka sakin ni Goring.” “Mr. Buenavista? Yun daw nakabili nitong isla natin?” “Oo pre, yun nga.” “Ano kayang relasyon nila ni Pursue?” “s**t pre, nagpatuli pa naman ako para kay Sue. Wala akong laban sa ganiyang ka-pogi kahit tuli  na ‘ko.” “Hays, umalis na nga lang tayo dito.” Napasimangot siya dahil sa bulungan ng mga tao. Ngunit hindi iyon pinansin ni Trail. Kunot ang noo nitong inayos ang buhok niyang naging pugad ng ibon matapos sabunutan ni Carmina. “Ehm, keye pe be se Mr. Trail Buenavista?” sabay silang napalingon ni Trail kay Carmina. Nakatayo na ito ng tuwid at nakasukbit na muli sa braso nito ang ‘Gucci’ nitong bag. “Yes, I am,” walang emosyong sagot ng binata. “Ehm. Hey pe. Eke pe se Cermene,” inilahad nito ang isang kamay sa harap ni Trail at ang isa naman ay ginamit nito para iipit sa likod ng tenga ang buhok na daig pa ang pabebe girls. Nakonsensiya siya. Napalakas yata ang pagsampal niya ng bangus sa namumuting mukha nito kaya parang nae-epilepsy na ito. Nagpapalit- palit ang tingin niya sa dalawa. Kitang-kita niya kung paano tumikwas ang isang kilay ng binata habang seryosong nakatingin sa nakalahad na palad ni Carmina. Kawawa naman si Carmina. Dapat kasi naglinis muna siya ng kuko e. “Saglit lang ha,” humiwalay na siya sa Trail at dumukot sa delantar niyan. Napangiti siya ng makapa ang maliit at malamig na bakal doon. Inilagay niya iyon sa nakalahad na palad ni Carmina. “Ito Carmina o, nail cutter. Mickey mouse pa ang design niya. Limited edition daw yan sabi sa binilhan ko.” Tumalim ang tingin sa kaniya ni Carmina. Medyo naawa pa siya dito dahil nalipat pala sa mukha nito ang mga kaliskis ng bangus niya. “At ano namang gagawin ko dito, aber?” parang pinipigilan nito ang panggigigil. “Maglinis ka muna ng kuko mo. Kasi nakaka-turn off sa mga boys ang may dirty na kuko e. Tapos next time ka na lang makipagkamay kay Mr. Buenavista,” bahagya pa siyang nag-lean dito at bumulong. “Gusto kasi niya ng malilinis na babae. Pag di ka na dirty, ishi-ship ko love team nyo, promise! Carmina, fighting!” Kitang kita niya kung paano nagngalit ang mga ngipin nito. Ano na naman kayang problema nito? Buti nga binigyan ko pa siya ng advice. Pwede na kong maging love guru hihi. “Bye, Carmina. Bye, Goring. Hehe.” Hinatak niya si Trail paalis sa lugar na iyon at napatianod lamang ang binata sa kaniya. “Teka, ate! Saan ako pupunta?” Narinig niyang sigaw ni Kiko. “Paano na itong mga paninda natin?” “Kayo na muna bahala dyan ni Kael! Ipaubos niyo yan ha!” balik sigaw niya ng walang lingon likod. “Wait a second, crazy.” Nakita niya si Trail may kinausap na isang lalaki na nakasakay sa pedicab. Pagkatapos ay patakbo itong bumalik sa kaniya. “Sino yun?” umalis na ang dalawang magkasunod na pedicab. “My brother.” Kumunot ang noo niya nang makitang nakangising kumakaway sa kaniya ang kapatid nito. “Okay lang ba ang kapatid mo?” nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong pedicab. “Yes. Why?” Hindi maipaliwanag na lungkot ang naramdaman niya. Kawawa naman ang kapatid ni Lolo. Mukhang malakas ang tama sa ulo. Wala pa namang malapit na mental hospital dito. “Tara na,” hinatak niya ang braso ni Trail at nagpatianod na lamang ito sa kanya. *** “Aray ko, huhuhu. Dahan dahan naman, Lolo!” pilit niyang nilalayo ang buhok kay Trail na pilit naman nitong sinusuklay. Dinala niya ito sa bahay nila at ngayon tino-torture na nito ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang kahoy na upuan sa kusina at bahagyang nakatagilid siya dito habang nakaharap naman ito sa kaniya. Mariin niyang naitikom ang bibig nang pinukol siya nito ng masamang tingin. “It’s your fault why your hair became a mess. Why did you pick a fight anyway?” Napasimangot siya nang maalala kung bakit siya nakipagsabong kay Carmina. “E kasi naman, Lo! Tinawag ka nilang matandang madali na daw mamamay. Sobrang sinungaling nila!” Naramdaman niyang bigla itong natigilan. “You did that for me?” “Oo. Hindi naman kasi totoo yun, diba?” “You seriously did that for me?” kumunot ang noo niya nang ulitin ni Trail ang tanong nito. Unli lang? Unli? “Paulit-ulit lang, tanda? Oo nga! Unang-una, hindi ka naman matanda--” “Bakit mo ‘ko tinatawag na ‘lolo’ kung ganun?” natigilan siya dahil ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila. “Ang… ang sexy mo magtagalog!” natutop niya ang bibig nang masabi ang laman ng isip. Trail gave her a loop-sided smile. Relax itong nagpangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa kaniya. His eyes are dancing in amusement. “Oh, is that so? Siguro dapat na akong magsalita ng tagalog mula ngayon,” his loop-sided smile turned into a wide grin. Kinapa niya ang puso. Mabilis ang takbo niyon. Parang may naghahabulang sampung dinosaur. Natigilan na naman siya. At ano namang kinalaman ng mga dinosaur sa pagtibok ng puso ko? “Hey, you okay?” tanong ni Trail nang ilang segundo siyang natulala. “Ha? Ah oo. Ano nga uli ang pinag-uusapan natin?” “Pfft. Crazy. I’m asking you why did you picked a fight for me, dummy.” “Ah oo nga! Ayun na nga, chinichika ka kasi nina Carmina at Goring dito sa mga taga-isla na isa ka daw matandang mayaman na malapit nang mamatay. E hindi naman totoo yun, kasi hindi ka naman matanda tapos friends pa kayo ni satanas kaya sure akong hindi ka pa mamamatay-- aray!” napasimangot siya nang bigla nitong sinuklay ang buhol buhol niyang buhok. “Kanino ka nga pala tumaya kanina? Ginawa akong panabong na manok ng mga hinayupak kong kapatid e.” “I bet on your opponent. I lost.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Tsk. Buti nga sayo. Wala ka kasing tiwala sakin.” “And I'm not stinky by the way. You are.” Namilog ang mga mata niya at inamoy ang sarili. Amoy-isda siya. “Hoy, hindi ako mabaho, ang arte mo. Ito ang natural na amoy ng mga bangus ko!” may pagmamalaki niyang sabi. “Yeah right, your animal weapon.” Tumayo siya. “Diyan ka na nga. Maliligo muna ako. Nakakahiya naman sayo, lolo.” “WHAT!” Mabilis siyang pumasok sa kuwarto para hindi siya abutan nito. Mabilis din ang ginawa niyang paliligo. Mabuti na lang at natanggal agad ang amoy ng isda sa kaniya. Salamat sa mumurahing sabon niya na safeguard at shampoo na pantene. Nagpahid siya ng lotion at lumabas na. Ngunit wala na doon ang binata. Lumabas siya ng bahay at naabutan niya itong mukhang galit na nakikipag-usap sa cellphone. Lalapit pa sana siya dito ngunit mabilis itong tumakbo palayo. Nasundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa sumakay ito sa yate na nakadaong hindi kalayuan sa bahay nila. Mabilis ang naging pag-andar ng yate hanggang sa nawala na iyon sa paningin niya. Napakunot ang noo niya. Anong nangyari dun? *** Mabilis na nakabalik si Trail sa mansion niya nang makatanggap ng tawag mula sa kaniyang ina. Dammit! What is she doing here? Marahas niyang binuksan ang pinto ng opisina at naabutan niya ang ina na prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Ibinaba nito ang binabasa sa center table nang mapansin siya nito. “So, how long are you going to hide in here, son? To hide from us?” Nag-isang linya ang kilay niya. “Mom, what do you want?” “I told you. I want you to marry Cherryl, the only daughter of Mr. and Mrs. Molieriz. They already agreed to this years ago. But what did you do? You ran away and hide!” He gritted his teeth. His mother can’t really understand how much he values his freedom. He values it more than anything else. And I won’t let you take it away from me. “I told you a million times that I won't marry that brat,” madiin niyang tugon. “Son, look at you. You're already thirty three. I'm getting worried. You should be married by now and gave us a bunch of grandkids. But you are here, living alone--” “Who say’s I'm living alone?” natigilan naman ang mama niya. “What do you mean?” “Mom, I already have a fiance. I just proposed to her awhile ago before you came here and barged in.” Agad na nagliwanag ang mukha ng mama niya nang marinig iyon. Freedom. I won't let you take it away from me. “Really, son? Oh my goodness! This is exciting! Who is she? Where is she? Gosh, I want to meet her!” his mom excitedly giggled. “What is her name?” “Pursue. And you’ll meet her soon.” ---------------------------------------------------------------- Hi. -WRMS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD