SIX

2109 Words

Lumipas ang buong araw ngunit hindi bumalik si Trail sa isla. Nakaupo si Sue sa mahabang kahoy na upuan sa labas ng kanilang bahay at hinihintay ang binata. Nagbabaka-sakaling babalik ito dahil bigla na lamang itong umalis. Ngunit hindi na ito bumalik. Pagkaalis nito, isang yate uli ang dumaong sa kahoy na daungan hindi kalayuan sa bahay nila, ngunit nakita niyang sinundo lamang niyon ang kapatid ni Trail at ang isang lalaking nakasunod dito na mukhang guwardiya. Pagkatapos ay umalis na kaagad ang mga ito. Napabuntong-hininga na lamang siya at pinagpagan ang bakya niya na napupuno na ng buhangin. "Anak, anong ginagawa mo dito sa labas?" Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Nanay Lita kasunod sina Kiko at Kael na dala ang mga banyera nila na pinaglagyan ng isda kanina sa palengke.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD