"Sir Kazimir, uminom po ba kayo? Bakit po kayo naglasing?" Nakainom siya pero hindi siya lasing dahil alam niya pa kung anong oras ito dumating. Ala-una na ng madaling-araw. "Kumain ba kayo bago uminom? Kung hindi pa, may dala po akong pagkain dito." Lumuhod ito sa harapan niya habang siya naman ay nakasandal sa sofa. "Saan mo binili 'yan?" tanong niya kahit alam niya naman kung saan galing ang mga dala-dala nito. "Binili ko po iyan para sa inyo," wika nito. "Ang sweet mo naman," aniya at matabang na natawa. "'Yan ba iyong sinabi mo na bibilhin mo kanina?" "Opo. Pinipilahan po kasi 'yan, eh. Napanood ko po kasi sa TV na trending 'yan ngayon kaya pinuntahan ko kaagad." "Oh, I see." "Ipaghahain ko po kayo para makakain po kayo." Nang akmang tatayo ito ay hinawakan niya ang braso n

