Episode 44

1039 Words

Kagabi ay hinayaan niya na matulog si Hope sa kuwarto niya pero hindi niya ito pinahiga sa kama niya kaya doon ito sa couch humiga. Ang ginamit nitong kumot kagabi ay maayos na nakatupi sa ibabaw ng couch at nakapatong din doon ang dalawang unan na ginamit nito pero ang taong gumamit ay wala na roon. Habang pababa siya ng hagdan ay napansin niya na naiba ang ayos ng bahay niya. Mas naging maaliwas kasi ito ngayon kumpara noon. Napakalinis din ng bahay niya kahit saang sulok siya tumingin. "Si Hope ba ang may gawa nito? Nasaan kaya siya?" tanong ng isipan niya nang hindi niya ito makita sa paligid. "Ba't kaya nilinis nito ang buong bahay niya? Ano kaya ang nakain ng babaeng 'yon?" Kahit sa labas ay napakalinis din. Ni isang tuyong dahon ay wala siyang nakikita na pakalat-kalat sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD