Episode 55

1734 Words

"Mery, ready ka na ba? Si Kaizer, nabihisan mo na ba?" tanong ni Lea habang nasa sala ito. Kanina pa raw kasi ito naka-ready pero silang dalawa ni Kaizer ay ngayon pa lang naghahanda para sa pag-alis nila. Mamimili kasi sila ngayon ni Lea dahil nga bukas na ang uwi nila ni Kaizer sa probinsiya nila. Ipapasyal daw muna sila ni Lea bago sila umuwi para naman daw maging happy ang inaanak nito. Isasakay daw nito si Kaizer sa lahat ng rides sa mall na pupuntahan nila. Anim na buwan pa lang ang anak niya pero kung ano-ano na ang ibinibigay dito ni Lea na akala mo naman binatilyo na ang anak niya. "Mery, matagal pa ba kayo riyan?" Halatang naiinip na ang kaibigan niya. Paano, dalawang oras na yata itong naghihintay sa kanila. Nang makita sila nito na palabas na ng kuwarto ay inirapan s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD