Episode 54

1628 Words

"Lea…" tawag niya sa kaibigan niya habang nanghihina siya. Sa taxi pa lang ay umiiyak na siya hanggang sa makauwi sila ng anak niyang si Kaizer na parang hindi siya nauubusan ng luha. "Bakit? Kanina no'ng umalis ka, ang ganda-ganda mo tapos ngayong pag-uwi mo hindi na maipinta 'yang mukha mo." Kinuha nito sa kaniya si Kaizer Lei nang mapansin nito na nanghihina siya. "Ba't ka ba umiiyak? Sino'ng iniiyakan mo? Daig mo pa ang bruha sa hitsura mo ngayon, Mery." "N-nakita ko ulit siya," bulalas niya. "Sino?" "'Yong tatay ni Kaizer." "Oh, tapos? Ano'ng nangyari? Doon nga muna tayo sa loob ng bahay mo at doon natin pag-usapan ang lahat." Inalalayan siya nito papasok sa loob ng bahay niya habang karga-karga nito si Kaizer na inosenteng nakatingin sa kanilang dalawa. Ang anak niyang si Kaiz

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD