"Dude, may good news ako! Siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo ngayon!" Mabilis siyang napabaling sa pinto nang makita niya na humahangos si Samaniego palapit sa gawi niya. "f**k! Hindi ako makahinga sa sobrang pagod!" "What is it? Siguraduhin mo na matutuwa ako sa ibabalita mo dahil kung hindi yari ka sa akin." "Tumawag sa akin kanina ang isa sa mga private investigator na binayaran ko, Dude." "And?" "Nakita na raw niya si Hope, Dude!" Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya mula sa katawan niya dahil sa narinig niya. Finally! "Saan niya raw nakita? Ano'ng oras? Saang lugar? Sino'ng kasama?" sunod-sunod niyang tanong dito. "Ayos lang daw ba ang kalagayan ni Hope? Gano'n pa rin ba ang hitsura niya? Hindi ba siya pumayat? Pumangit? Ano?" "Nakita niya pero nawala rin daw dah

