"Hoy, Alonzo! Gusto mo na bang mamatay? Halos lahat ng niluluto ni Evangelista hindi mo kinakain, ah! Alam mo bang mas malusog at mas malinis pa 'yong pusa ko kaysa sa iyo? 'Wag kang masyadong mag-isip dahil sampung private investigator, limang pulis, walong sundalo, isang daang secret agent, dalawang piloto, at tatlong katulong na ang binayaran ko para lang mahanap nila si Hope! Lahat ng pera ko inilabas ko na para lang mahanap 'yong mahal mong mangkukulam," mahabang litanya sa kaniya ni Samaniego. Araw-araw ay binubungangaan siya nito pero hinahayaan niya lang dahil alam niya na ang kapakanan lang naman niya ang iniisip nito. "Hindi siya mangkukulam," saad niya. "Alam ko!" Hindi kaya may alam ang gagong 'to sa katauhan ni Hope dati pa? "Alam mo? Matagal mo na bang alam na hindi

