She's six months pregnant right now at alam na rin nila ni Lea ang gender ng anak niya. I'ts a boy! A healthy baby boy! Nang malaman ni Lea na lalaki ang magiging anak niya ay halos magtatalon ito sa tuwa dahil may lalaki na raw sa buhay nilang dalawa. Kung ang kaibigan niya ay halos magwala sa tuwa, siya naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Hindi isang iyak ng kasawian kung hindi kasiyahan. Siguradong magiging kamukha ito ni Kazimir dahil sa buong pagbubuntis niya ay lagi niya itong hinahanap at naaalala. Tama nga ang kasabihan na kapag may nawawala ay mayroon namang pumapalit. Siguro alam ng Diyos na malungkot siya pag-alis niya sa bahay ni Kazimir kaya binigyan siya nito ng makakasama habang buhay. "Lea, kakayanin ko kaya? Tatlong buwan na lang tapos lalabas na 't

