"Lea! Lea!" sunod-sunod na katok ang ginawa niya sa pinto ng kaibigan niya dahil lagi na lang siyang nasusuka at nahihilo nitong mga nakaraang buwan. "Oh, bakit? Grabe ka namang makakatok! Balak mo bang sirain 'tong pinto ng bahay ko? Pumasok ka na at tatapusin ko muna 'yong niluluto ko sa kusina bago tayo magkuwentuhan." "P'wede mo ba akong samahan ngayon sa hospital?" tanong niya habang nakasunod dito dahilan para huminto ito sa paglalakad at mabilis na napalingon sa gawi niya. "Ano'ng gagawin mo roon?" "Lagi kasing masama ang pakiramdam ko, eh. 'Yon bang wala naman akong kinakain pero naduduwal ako tapos madalas pa akong mahilo. Naramdaman mo na rin ba ang ganito dati? Nag-aalala kasi ako na baka may sakit na ako kaya gusto ko sana na pumunta agad sa ospital para maagapan ko kaagad

