"Aalis lang ako sandali. May gusto ka bang ipabili sa akin?" tanong sa kaniya ni Kazimir. Alam niyang pupuntahan nito si Tita Margarita dahil narinig niya na kausap nito ang ginang kanina. Siguradong pagagalitan nito ang ina nito base sa boses nito habang kausap ito kanina. "Wala kang gustong kainin?" "Wala." "Humiga ka lang dito. Gusto ko pagdating ko ay nandito ka pa rin sa kuwarto ko, maliwanag ba?" "Sa tingin mo ba makakaalis ako na ganito ang kalagayan ko? Ni hindi nga ako makabangon tapos makapaglakad ng maayos tapos aalis pa ako." "Siguraduhin mo lang dahil kapag dumating ako na wala ka rito sa kuwarto ko, ihanda mo na 'yang sarili mo." Ang akala niya ay aalis na ito pero humiga ito at yumakap sa kaniya habang nakabihis ito. "Akala ko ba aalis ka na? Ba't humiga ka pa

