Tanghali na pero tulog pa rin si Hope samantalang siya ay nakapagluto na ng almusal at nakaligo na rin. Kanina niya pa ito gustong gisingin pero mariin niyang pinipigilan ang sarili niya dahil alam niya na na napagod ito kanina. Sa sobrang inis niya kasi ay pinarusahan niya ito dahil nga nalaman niya na hindi naman pala ito mangkukulam. Paano niya nalaman? Nandoon kasi siya sa lugar kung saan ito nag-usap at saka ang mommy niya. He heard everything. Details by details. Umalis lang siya nang makita niya na papunta na ang dalawa sa loob ng condo unit ng ina niya na kasabwat pala nito. Hindi niya alam kung paano nito nagawang ibahin ang sarili nito para lang magmukha itong mangkukulam pero kalaunan ay ipinakita rin naman nito sa kaniya kung ano talaga ang totoong hitsura nito. Pi

