Episode 78

1813 Words

"Baby, ano ba ang nangyayari sa iyo? May sakit ka ba? Bakit tulog ka lang nang tulog? Hindi ka ba nagugutom?" Ang sabi ni Aling Feliza ay hindi pa raw kumakain ang asawa niya kaya naman umuwi muna siya sandali para tingnan ito. Ang ama nito ay iniwan niya sandali sa sagingan kasama ang ilan sa mga tauhan nila. Nag-aani sila ng saging ngayon dahil marami ang gustong bumili. Ang mga saging kasi na tanim nila ay talagang namang matataba at ibinibigay lang din nila sa murang halaga. "Nasaan si Kaizer, Hon?" nanghihina nitong tanong sa kaniya. "Nandoon kay Mommy, bakit?" Tukoy niya sa ina nito. Ang mga magulang niya at mga kaibigan ay bumalik na sa Maynila kahapon. Kapag hindi raw abala ang mga ito ay sosorpresahin na lang sila nito. Sa pag-alis ng mga kaibigan niya ay nakaramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD