"Dad," untag niya sa ama niya habang nakasakay ito sa duyan nila na nasa garden nila. "Bakit hindi pa po kayo natutulog?" "Nag-aalala kasi ako sa Tito mo, Hija," sagot nito sa malungkot na tinig. "Hindi ko alam kung kumain na ba sila roon o hindi pa. Alam naman natin na mahirap sa loob ng kulungan dahil hindi masarap ang pagkain doon at wala ring komportableng higaan. Hindi sanay sa ganoong buhay ang tiyuhin mo kaya baka magkasakit siya roon. Kahit galit ako sa kaniya, kapatid ko pa rin siya at kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. I wish I could be someone who has a cold heart, Hija. Hindi rin pala kasi mabuti na sobrang bait mo sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil aabusuhin ka nila." "Daddy, sila po ang may problema at hindi kayo. Halos sa kubo na kayo tumitira noon para mabantayan an

