Episode 76

1610 Words

"Ano'ng nangyayari rito?" tanong ng daddy niya pagdating sa kinaroonan nila. Ang tito at tita niya ay iginapos niya sa pamamagitan ng mga baging ganoon din ang pinsan niyang si Riza. Iyon ang eksaktong nadatnan ng daddy niya kaya labis-labis ang pagtataka nito. "Hija, what happened?" Ang ina niya ang nagtanong. "Bakit mo sila itinali? At bakit may hawak kang baril? Ano ba'ng nangyayari?" "Hija, explain this," anang ama niya kaya inumpisahan na niya na ipaliwanag dito ang lahat. "Kanina po habang pauwi ako sa bahay natin ay bigla akong hinarangan ni Riza. Kung ano-ano po ang pinagsasabi niya na hindi maganda sa pandinig ko kaya ko siya binaril. Siya pala ang dahilan kung bakit hindi ako nahanap ng asawa ko noon dahil hinarang niya ang lahat. Hindi ko alam kung binayaran niya ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD