"Nandito ka pa pala?" tanong niya kay Riza nang makita niya ito na pakalat-kalat sa hacienda nila. Ang akala niya kasi ay wala na ito rito sa hacienda nila dahil nga inihatid na raw ito ni Aidan sa labas para mawala na ito rito. Sinabi niya na rin sa mga nakatoka na guwardiya na 'wag na itong papasukin pa kaya laking gulat niya nang makita niya ito na narito na naman. "Sobrang kapal talaga ng mukha mong babae ka, eh, 'no?" Umiling siya habang gigil na gigil dito. "Ba't ka bumalik? Kailangan mo ng pera? Hihingi ka sa Daddy ko?" "Masyado kang matabil na babae ka," inis nitong sabi sa kaniya habang nakakrus ang mga braso nito. "Ba't kaya hindi ka mamatay-matay, eh, no? Alam mo ba na kapag nawala ka ay puwedeng mapunta sa akin ang lahat?" "Mapupunta sa iyo ang lahat?" Natawa siya ng mala

