"Kakain na!" tawag ni Hope sa kanila habang kumakaway ito. Alas-onse y media pa lang pero dapat raw ay kumain na sila ng tanghalian. Ang mga magulang nila ay papunta na rin sa kubo ganoon din ang mga tauhan nito. Mayroong dalawang klase ng kubo dito sa kinaroroonan nila. Ang isa ay para sa mga magulang ni Hope at ang isa naman ay para sa mga tauhan nito. Sa kubo kung saan naroroon si Hope ay diyan daw natutulog paminsan-minsan ang mga magulang nito kapag tinatamad nang umuwi. "Saglit lang, Baby!" sigaw niya dahil medyo malayo ang kinaroroonan ng asawa niya. "Kakain na raw," imporma niya sa tatlo niyang kaibigan. "Dude, mamaya na ako kakain," sabi ni Samaniego. "Mauna na kayo. Pagkatapos niyong kumain saka ako kakain." "Bakit hindi ka pa sumabay sa amin? Alam mo ba na dito sa l

