"Mommy, Daddy," untag niya sa mga magulang niya pagpasok nilang tatlo sa loob ng hacienda nila. Karga niya si Kaizer habang si Kazimir naman ay dala-dala ang mga maleta nila. "Mano po." Iniangat niya ang palad ng mommy niya at dinala iyon sa noo niya. Ganoon din ang ginawa niya sa daddy niya. "God bless you, Hija," magkapanabay na sambit ng mga ito at kalaunan ay kinuha ng daddy niya sa kamay niya ang anak nila ni Kazimir. "Ang guwapo naman ng apo ko!" puri ng mommy niya samantalang ang daddy niya ay walang binitiwan na salita pero alam niya na natutuwa ito sa unang apo nito. Nang mapatingin ang daddy niya kay Kazimir ay bahagya niyang siniko si Kazimir para iparating dito na kailangan nitong magbigay galang sa mga magulang niya. "Magmano ka sa kanila," bulong niya pagkatapos niy

