Episode 2

1719 Words
Paalis na sana si Kazimir sa law firm building nila nang may marinig siya na boses babae na tila ba galit na galit ito sa kausap nito. Napailing-iling na lang siya dahil hindi naman niya ugali na makinig sa usapan nang may usapan. Hahakbang na sana siya paalis sa lugar na iyon ng bigla na lang itong sumigaw kaya napahinto ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago humakbang ng dahan-dahan malapit sa kinaroroonan ng tinig. Biglang napakunot ang noo niya ang makita niya ang sekretarya niya na may kausap sa cellphone nito. Kahit nakatalikod ang babae ay alam niya na ang sekretarya niya iyon base sa suot nitong damit. Nang lumingon ito sa gawi niya ay agad siyang nagtago sa gilid ng pader. "Tigilan mo nga 'yang pag-iyak mo, Venus! Kanina pa ako naiinis sa pag-iyak mo! Ilang beses ka na ngang niloloko ng lalaking 'yan hindi mo pa rin iniiwanan! Ano bang nagustuhan mo sa lalaking 'yan? Huwag mong sabihin sa akin na magaling sa kama 'yan kaya hindi mo maiwan-iwanan? Kung iyan lang ang dahilan mo hiwalayan mo na lang 'yan dahil may mga lalaki pa rin naman na magaling sa kama pero matino!" bulyaw ng sekretarya niya sa kausap nito sa kabilang linya. "Mahal ko kasi siya, Ate Mercury. Tulungan mo naman ako, please? Huwag kang mag-alala dahil irerekomenda kita sa mga taong kakilala ko para dumami ang kita mo," tugon naman ng kausap nito. Naka-loudspeaker kasi ang cellphone nito kaya naririnig niya rin pati ang sinasabi ng kausap nito. "Nakakuha ka ba ng bulbol niya?" tanong ng sekretarya niya sa kausap nito. What the f**k! What is she going to do with those? Ang bastos naman ng babaeng 'to! "Opo, Ate! Habang tulog po siya kagabi ay palihim kong ginupitan ang bulbol niya. Mabuti na lang po at medyo mahaba na ang bulbol ni Isaac kaya hindi ako gaanong nahirapan." "'Yong suot niyang brief kagabi nakuha mo rin ba?" Lumapit pa siya ng husto sa kinaroroonan ng sekretarya niyang manyakis dahil para na itong balisa kaya hindi niya na gaanong naiintindihan ang sinasabi nito sa kausap. "Yes, Ate. Lahat po ng sinabi niyo sa akin ay ginawa ko. Magdadala pa po ba ako ng picture niya o hindi na?" "Magdala ka para alam ko kung saan ko siya tutusukin ng karayom. Pagkatapos nating gawin ang ritwal sigurado ako na hindi na 'yan mambababae pa dahil mamaga na ang itlog niyan pati na ang p*********i niyan. Noon pa man ay gigil na gigil na ako sa mga lalaking manloloko kaya dapat sa mga taong 'yan ay tinuturuan ng leksiyon!" Napaigtad siya ng bigla itong sumigaw. What is the meaning of this? Is she a witch? He needs to talk to his mother to inform her that the person she hired is a f*****g witch! "May manika na rin po akong dala at saka karayom, Ate. May mga kaibigan din po pala ako na naloko ng mga lalaki kaya baka po pati sila ay isama ko na rin sa apartment niyo." "Sige! Magkita na lang tayo sa apartment ko para pag-usapan natin kung ano ang gagawin natin diyan sa boyfriend mong babaero. Sa apartment na lang tayo mag-usap dahil baka may makarinig pa sa 'kin at baka matuklasan pa nila ang sikreto ko. Pauwi pa lang ako dahil marami akong ginawa ngayon. See you later, bye!" Nang mag-umpisang humakbang patungo sa gawi niya ang mangkukulam niyang sekretarya ay tumakbo siya nang mabilis. Sa tantiya niya ay iyon na ang pinakamabilis na takbo niya sa buong buhay niya. Nang makarating siya sa parking area ay agad niyang binuksan ang sasakyan niya at pinasibad niya iyon pauwi sa bahay nila. Ni hindi niya na naiparada pa ng maayos ang sasakyan niya sa loob ng bahay nila. Tumakbo na kasi kaagad siya papasok sa loob ng bahay nila habang tinatawag ang pangalan ng mama niya. "Mama!" malakas niyang tawag dito. "Mama!" tawag niya ulit dahil hindi ito sumasagot. "Sir, bakit po kayo humahangos? May nangyari po ba? Bakit po pawis na pawis kayo?" tanong ng isa sa mga kasambahay nila na nabulabog niya ata dahil sa lakas ng pagsigaw niya. "Yaya Meding, nasaan po si Mama?" tanong niya sa matanda. Hindi siya nito sumagot pero itinuro nito ang hardin. "Nandoon po ba si Mama, Yaya Meding?" Umiling ito. "May sinabi po ba akong nandoon si Ma'am, Sir?" Napabuga siya ng hangin. "Ako na lang po ang maghahanap kay Mama, Yaya Meding. Bumalik na po kayo sa kuwarto niyo at magpahinga na." "Sir Kazimir…" "Bakit po?" "Nakikita niyo po ba ang nakikita ko? Para po kasing may babaeng nakaitim na nakatayo sa puno ng mangga, eh." Dahil sa sinabi nito ay mabilis siyang napatingin sa direksiyon na tinitingnan nito. "Nakatitig po siya sa inyo, Sir…" mahinang bulong ni Yaya Meding sa kaniya. "Hindi kaya nasundan siya ng sekretarya niya? Nakita kaya siya nito kanina?" sunod-sunod na tanong ng isipan niya. "Sir, kilala niyo po ba 'yan?" Tumikhim siya at pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ng matanda at pilit na pinapatatag ang sarili. "Imahinasyon niyo lang po yan, Yaya Meding. Sa tingin niyo po ba may babaeng tatambay doon sa punong 'yon sa ganitong oras?" Umiling-iling naman ang matanda. "Mauuna na po ako sa inyo, Yaya Meding," paalam niya sa matanda dahil kung ano-ano ang nakikita nito. "Matulog na po kayo at 'wag niyo na pong intindihan 'yan. Tinatakot niyo lang po 'yang sarili niyo dahil sa ginagawa niyo." Napakamot naman ito. "Baka nga guni-guni ko lang ang nakita ko," mahinang bulong nito. Kailangan niyang makausap ang mama niya para ipaalam dito ang natuklasan niya kani-kanina lang. Kahit na alanganing oras na kinatok niya pa rin ang kuwarto ng mga magulang niya. "Mama, can we talk?" Kumatok siya ng sunod-sunod sa pinto ng kuwarto ng mga ito. Hindi naman siya nabigo dahil agad naman siyang pinagbuksan ng mama niya. "May problema ba, Kaz? Iyon kasi ang palayaw niya kaya iyon ang itinawag nito sa kaniya minsan. "Gaano mo kakilala ang babaeng dinala mo sa opisina ko?" "Nakita ko lang siya na nagbebenta ng mga kendi sa gilid ng kalsada nang pauwi na kami ng daddy mo galing sa condo ng kapatid mo." "What?" "May problema ba?" Hindi niya pinansin ang nagdududa nitong tingin sa kaniya. "So you mean, you just met her in the middle of the road? Is that what you are trying to say, Ma?" Tumango-tango ito sabay ngiti. "Exactly! Naaawa kasi ako sa kaniya, eh." Napahilamos siya gamit ang dalawa niyang palad dahil sa naging tugon nito. "Alam niyo po bang isang mangkukulam ang babaeng 'yon, ha, Ma?" Tumawa ito ng malakas na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. "Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan, Anak?" "I heard her while she was talking to her client. I heard their whole conversation, Mama. I heard them with my ears. That's why I want you to fire her." Natigil ito sa pagtawa dahil naging pormal na ulit ang hitsura nito. "Son, siya lang ang inaasahan sa pamilya niya. Siya ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. 'Yong nanay at tatay nila ay sinukuan na sila dahil iniwan na sila ng mga ito at may kaniya-kaniya na ring pamilya. Sa tingin mo ba aalukin ko siya ng trabaho kung hindi ko nauunawaan ang estado ng buhay nila? Kaya nga nakikiusap ako sa 'yo na hayaan mo na lang siyang maging bahagi ng kompanya natin, eh. Hindi mo ba ako kayang pagbigyan, ha, Kazimir?" Mabilis siyang umiling-iling. "Iba na lang po ang hilingin niyo, Mama. Ayaw ko po talaga sa kaniya dahil nakakatakot siya. Damit pa lang po ng babaeng 'yon, kinikilabutan na ako, eh." "Why?" "Because she's a witch!" Halos paulit-ulit na lang yata niyang sinasabi na mangkukulam ang dinala nito pero hindi ito naniniwala. "Goodness, Kaz! Sa tingin mo ba may mangkukulam pa sa panahon ngayon?" "Oo at 'yon ay ang babaeng napulot mo sa kalsada. Hindi man lang po ba kayo nagtataka sa porma ng babaeng 'yon? Puro kulay itim ang suot akala mo bampira." "'Yon kasi ang paborito niyang kulay, Kaz!" "Kahit ano pa po ang sabihin niyo hindi ko po siya matatanggap bilang sekretarya ko. Kung manamit siya mas malala pa siya kay Aling Lukring. Hindi po ba kayo kinikilabutan sa pagmumukha no'n?" Gusto niya sanang ikuwento sa mama niya ang lahat ng narinig niya kanina kaya lang baka masampal siya nito. Hindi kasi magandang pakinggan ang mga narinig niya dahil abnormal lang ang may kakayahang gumawa ng gano'n. "Si Aling Lukring kahit kakaiba manamit, hindi siya nakakatakot, Mama. Eh, 'yong napulot mo makita mo pa lang 'yong anino kakaripas ka na ng takbo, eh." Si Aling Lukring ay isa sa mga kasama nila sa bahay. Kung manamit ito para itong nasa sinaunang panahon. Kahit kasi mainit ang panahon ay balot na balot ang katawan nito. Akala niya si Aling Lukring na ang malala pero mas malala pa pala at iyon ang sekretarya niya. "Bukas po pagpasok ko sa opisina ay sumabay kayo sa akin. Kayo po mismo ang magpaalis sa babaeng 'yon kung ayaw niyong kaladkarin ko siya palabas ng gusali. Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos hangga't nandoon ang babaeng 'yon, Ma. Sana po pusa na lang ang pinulot niyo o 'di kaya'y aso, hindi 'yong mangkukulam na 'yon." Hindi siya papayag na magkaroon ng mangkukulam sa kompanya nila dahil baka malasin ang firm nila. "Paaalisin ko siya sa kompanya natin sa isang kondisyon." "Ano 'yon, Mama?" "Kailangan ko ng mga katibayan na maaaring magpatunay na isa ngang mangkukulam ang sekretarya mo. At kapag napatunayan mo 'yon sa akin, ako mismo ang kakaladkad sa kaniya palabas ng building natin, Kazimir." Ngumisi siya. "Deal." Hihingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya para mapabilis ang paghahanap niya ng mga ebidensya. Patutunayan niya sa mama niya na isang mangkukulam ang babaeng pinulot nito sa kalsada. At kapag napatunayan niya na isa itong mangkukulam ay ililibing niya ito ng buhay. Hindi pa man siya nagsisimula ay alam niyang magtatagumpay siya sa huli. He's not a lawyer for nothing! Kasi kung matinong tao 'yon, bakit tinanong nito ang kausap nito kung nakakuha ito ng bulbol sa lalaking kasintahan nito? Gross! Manika at karayom? Ano'ng gagawin nito sa mga iyon? Patutunayan niya sa mama niya na isang malaking pagkakamali ang pagkupkop nito sa babaeng 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD