Episode 3

2128 Words
"Good morning, Sir," nakangiting bati sa kaniya ng mangkukulam niyang sekretarya. Halos lahat ng ngipin nitong dilaw ay nakalabas kaya naman wala sa sariling napahilot siya sa sentido niya na para bang bigla na lang kumirot iyon. Kung kanina masama na ang pakiramdam niya ngayon ay parang dumoble pa yata. Oh, f**k! Siguradong hindi talaga magtatagal ang buhay niya kapag nagtagal pa ito dito sa kompanya niya. Mukhang maganda ang gising nito ngayon base sa hitsura nito samantalang siya ay halos dalawang oras lang ang naging tulog dahil sa kakaplano kung paano ito mapapaalis sa kompanya niya lalong-lalo na sa buhay ng kaniyang ina. Ang ina niya kasi ay mukhang nakulam na nito dahil sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ng sekretarya niya ay kumikislap ang mga mata nito na animo’y matagal na nitong kakilala ang sekretarya niya kahit pa nga napulot lang naman pala nito ang babae sa gitna ng kalsada. Ang suot nitong damit ngayon ay mas malala pa sa suot nito kahapon. Mas matingkad kasi iyong ngayon at talaga namang sayad na sayad kagaya nito na may sayad. Hindi lang siya ang napapangiwi kung hindi lahat ng mga empleyado niya ay ganoon din ang hitsura dahil nga sa pananamit at hitsura nito na kakila-kilabot. Akala mo naman, “Queen Of The Night” ang porma nito gayong wala naman itong napanalunan kahit na ano. "Ano nga ulit ang pangalan mo, babae?" nakangiwi niyang tanong at halos bumaliktad ang sikmura niya nang mapatingin na naman siya sa ngipin nitong kulay ginto. Mas malinis pa yata iyong mga taong namamalimos sa kalsada kaysa sa sekretarya niya, eh. "Mercury Hope po, Sir. Ang kuwento po kasi sa akin noon ng inang ko, kaya raw po iyon ang ibinigay nilang pangalan sa akin ay dahil ako raw po ang mag-aangat sa kanila. Ako raw po ang natitira nilang pag-asa para maiahon ko sila sa lusak na kinasasadlakan nila. Sa una po ay magiging mainit, mailap, at katakot-takot ang magiging kapalaran ko kagaya ng planetang Mercury kung saan malapit po ito sa araw pero kalaunan ay may Hope na basta 'wag lang daw po akong susuko sa mga hamon ng buhay. Sing-init man po ng Mercury ang simula ko ay may pag-asa pa rin po na naghihintay sa akin sa dulo at iyon po ang pinapaniwalaan ko, Sir." "Hindi ko tinatanong ang history ng pangalan mo dahil hindi ako interesado," pambabara niya rito. “Kahit maliit na detalye ng buhay mo ay wala akong pakialam kaya bawasan mo 'yang kadaldalan mo." Tinanong niya lang kung ano ang pangalan nito dahil hindi na niya matandaan pero kung ano-ano na ang sinabi nito na akala mo naman ay mahahabag siya. Pinunit niya kasi ang resume nito kahapon dahil sa sobrang inis niya kaya hindi niya alam kung ano ang toto nitong pangalan. "Ay, sorry po. Akala ko po kasi interesado kayo, eh," sagot nito. “‘Yong mga pinagtrabahuhan ko po kasi dati ay gandang-ganda sa pangalan ko, eh. Ang sabi pa nga po nila, "Your name suits you, babe." "'Yan ba talaga ang totoo mong pangalan o gawa-gawa mo lang?" "Mercury Hope Dela Cruz po ang totoo kong pangalan, Sir." "Hindi bagay sa iyo," komento niya. "Iyang mukha mo hindi ko nakikitaan ng pag-asa. At saka, puwede bang 'wag kang masyadong magngingiti kapag nakaharap ka sa akin?" "Po? Bakit po, Sir?" "Dahil hindi bagay sa iyo ang nakangiti." Ayaw niya kasi na makita ang naninilaw nitong ngipin dahil nanghihina siya. Hindi niya kasi maintindihan ang mama niya kung bakit gandang-ganda ito sa babaeng kaharap niya gayong wala naman kakaiba rito. Kung tutuusin nga ay mas nagagandahan pa siya kay Aling Lukring kumpara dito. "Po? Pero, ang sabi po ng inang at amang ko ay gumaganda raw po ako kapag laging nakangiti. Isa pa po, ang pagiging masayahin daw po ay nakaka-good vibes. Positibo po kasi akong tao kaya lagi po akong nakangiti kahit po minsan ay hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Ipagbawal niyo na po lahat basta 'wag lang po ang pagngiti ko, Sir." "Simula ngayon, ayaw kong nakikita kang nakangiti at kapag nakita kita na nakangiti o kahit isang ngipin mo lang ang nakalabas ay ipapakaladkad kita sa mga security, maliwanag ba?" Ngumuso ito na akala mo ikinaganda nito iyon. "Paano po 'yan? Palangiti pa naman ako," pahayag nito sa malungkot na boses pero wala siyang pakialam. "Kapag sinabi kong hindi ka ngingiti, hindi ka ngingiti!" aniya sabay hampas sa desk niya kaya nagulat ito. "Naiintindihan mo ba ako, ha?" Sana pala hindi na lang siya umuwi mula sa America para i-take over ang kompanya nila. Kung bakit kasi naging bunso pa siya sa kanilang tatlo, eh! Siya na lang kasi ang walang asawa kaya heto siya ngayon pinauwi ng mga magulang niya para pamahalaan ang law firm na pinaghirapan na palaguin ng kan'yang ama. "Gusto niyo po ba ng kape, Sir?" tanong nito pagkuwan habang mabilis nitong kinakamot ang sarili nitong ulo. Ito na yata ang pinakadugyot na babae na nakita niya sa buong buhay niya. Lahat na yata ng ayaw niya sa babe ay sinalo ng babeng 'to! Napabuntong-hininga siya. "Puwede bang tawagin mo si Arianne?" "Bakit po?" "Sa kaniya ako magpapatimpla ng kape dahil baka matuluan mo ng laway ang kape na tinitimpla mo." Ang malala pa ay baka malaglagan ng kuto ang kape niya. "Malinis po akong magtrabaho kaya malabo po iyon." "Hindi halata na malinis ka," nakaismid niyang sabi sabay tingin sa direksiyon ng bintana dahil baka tuluyan na siyang masuka sa mga naiisip niya. "Walang mababakas na kahit kaunting kalinisan diyan sa katawan mo kaya 'wag mo akong lokohin, babae." "Sige po, tatawagin ko na lang po si Ma'am Arianne. Lalabas na po muna ako, Sir." "'Wag na pala. Huwag mo na siyang tawagin dahil ayaw ko ng magkape ngayon." "Sige po, Sir." "Tumabay ka muna sa labas. Ipapatawag na lang kita kapag may ipapagawa ako." "Masusunod po, Sir." "Huwag ka na pa lang tumambay sa labas, umuwi ka na lang ng diretso tutal wala pa naman akong ipapagawa sa iyo." "Pero, bakit po? May naga–" "Buo pa rin ang magiging suweldo mo kung iyon ang inaalala mo, babae," putol niya rito. "Sige po, Sir. Tawagan niyo po ako, ha?" "Oo." Nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng opisina niya ay napabuga siya ng hangin. Tanghali na pero wala pa siyang nagagawa kahit isa dahil naiinis siya sa presensiya ng sekretarya niya. Parang gustong niyang umuwi na lang at matulog sa kuwarto niya maghapon o 'di kaya'y tumambay sa bahay ng mga kaibigan niya kung ganito lang din naman ang mangyayari sa kaniya araw-araw. Kalaunan ay naisipan niyang tawagan ang mama niya dahil hindi na talaga niya kayang pakisamahan ang sekretarya niya. Dalawang araw pa lang niya itong nakakasama pero parang dalawang taon na ang katumbas. "Ma, nasaan po kayo?" bungad niyang tanong nang sagutin ng mama niya ang tawag niya. "Nasa biyahe, bakit? May problema na naman ba, Hijo?" "Pupunta po ba kayo ngayon dito sa opisina ko?" "Yes, Hijo. Bakit?" "Take care, Ma. Pakisabi po sa driver niyo na bilisan ang pagmamaneho papunta rito para po makausap ko kaagad kayo." "Nandito na pala kami sa parking lot, Hijo." "Sige po, Ma. Akyat na lang po kayo rito." "Copy, Hijo." Nang sinabi nito na nasa parking lot na ito ay ibinaba na niya ang linya. Hindi na niya hihintayin pa na makakuha pa siya ng ebidensya na isa nga ngang mangkukulam ang sekretarya niya dahil ang kinaayawan niya ngayon ay ang pisikal nitong anyo. Kahit sino naman siguro ay hindi matutuwa sa hitsura ng babaeng 'to lalo na kapag napunta 'to sa isa sa mga kompanya ng mga kaibigan niya. Siguradong kakawawain ito ng mga kaibigan niya lalong-lalo na si Samaniego na malakas ang tupak sa ulo. Napabalik sa kasalukuyan ang isip niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa nito ang mama niya. "Hello, Hijo? Siya nga pala, dinalhan kita ng lunch. Hati na kayo rito ni Hope dahil marami naman 'to." Iginala nito ang tingin sa loob ng opisina niya. "Nasaan nga pala ang batang iyon? Nasa labas ba siya? Inutusan mo ba siya, Hijo? May ipinagawa ka ba kay Hope, Kazimir?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. "Why are you concerned about her, Ma? Is she your daughter with another man?" Baka kasi anak pala ito ng mama niya sa ibang lalaki pero hindi lang nito sinasabi sa kanila. "Is she, Mama?" "Are you serious, Kazimir? Ang ama mo lang ang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. Ano ba'ng pinagsasabi mo riyan?" "Mahal na mahal niyo po kasi siya na para bang siya ang tunay niyong anak sa aming dalawa." Sinamaan siya ng tingin ng mama. 'Yong klase ng tingin nito ay parang kagaya na sa sekretarya niya. "Dahil wala na siyang pamilya, Hijo! Hindi mo ba talaga kayang maging mabait sa kaniya? Please, be kind to her anytime, anywhere. Can you do that for me, Hijo?" "Hello po, Ma'am Margarita," bati rito ng magaling niyang sekretarya na basta na lang pumasok ng hindi man lang kumakatok. Ang akala niya ay nakauwi na ito pero hindi pa pala. Biglang nawala ang masamang awra ng mama niya at napalitan iyon ng liwanag base sa ngiti nito. "Oh, Hija! How are you? Saan ka ba pumunta? Kanina pa kasi kita hinahanap, eh." "Nagbanyo lang po ako, Ma'am," magalang na tugon ng sekretarya niya. Nang mapatingin ito sa kaniya ay inismiran niya ito dahil hindi nito sinunod ang utos niya na umuwi na. "Ganoon ba?" "Opo, Ma'am Margarita." Napatakip siya sa sarili niyang bibig gamit ang coat niya nang bigla itong yakapakin ng mama niya. Hindi pa ito nakontento roon dahil hinalikan din nito ang babae sa pisngi nito nang paulit-ulit. Nababaliw na talaga ang mama niya. Hinihiling niya na sana umuwi na ang papa niya para hindi makalabas basta-basta ang kaniyang ina. "So, paano? Kain na tayo?" "Mauna na po kayong kumain, Mama. Mamaya na lang po ako kakain pagkatapos niyo," aniya pero ang totoo ay sa labas siya kakain. Doon siya kakain sa restaurant ng kasintahan ng kaibigan niyang si Samaniego. "Sabay-sabay na po tayo, Sir," sabi ng sekretarya niya habang inihahain nito ang mga pagkain na dala ng ina niya. "Ang sabi po kasi ng inang at nang amang ko, dapat daw po ay sabay-sabay kumakain para po hindi lumayo ang grasya." "Oo nga naman, Hijo," gatong naman ng ina niya. "Sabay-sabay na tayong tatlo para masaya." "Hindi na po, Mama," tanggi niya. Hindi niya kayang sikmurain na magsasalo-salo sila sa pagkain. "Mauna na po kayong dalawa. Kung may matira man po ay ipauwi niyo na lang sa sekretarya ko para may makain ang mga kapatid niya. Sa labas na lang po ako kakain kaya 'wag niyo po akong alalahanin." "Pero, Sir–" "Tumahimik ka!" singhal niya sa sekretarya niya dahil masyado itong pumapapel na para bang matagal na sila nitong magkakilala. Napahawak ito sa sarili nitong dibdib nang sumigaw siya. Halatang nagulat. "Ang akin lang naman po kasi ay dapat po salo-salo tayo dahil marami naman po 'to. Ano po ba ang masa–" "Kapag hindi ka tumahimik, ihuhulog kita rito sa building," pagbabanta niya rito dahilan para magtago ito sa likuran ng ina niya. "Napakadaldal mo, hindi ko naman hinihingi 'yang opinyon mong babae ka pero sabat ka nang sabat." “Hijo, ano ka ba? Bakit ba ang laki ng galit mo kay Hope? May ginawa ba siya sa iyo?” “Wala po, Mama. Sadyang mainit lang po talaga ang ulo ko sa mga babaeng kampon ng kadiliman.” Umigkas ang kilay ng ina niya. Alam niyang hindi na naman ito naniniwala sa mga sinasabi niya dahil nga masyado itong nagagandahan sa sekretarya niya kuno. “Anong kampon ng kadiliman ang pinagsasabi mo riyan, Kazimir? Matinong babae si Mercury Hope kaya ‘wag kang magsasalita ng ganiyan tungkol sa kaniya. Mag-sorry ka sa kaniya!” “Are you for real, Ma? Bakit ko naman gagwin ‘yon?” “Dahil hindi maganda ang pakikitungo mo sa kaniya.” “Kung gusto niyo po na pakisamahan ko siya ng maayos, kausapin niyo po siya na maligo, ayusin ang pananamit at higit sa lahat dalhin niyo po sa dentista iyan para malinisan iyang ngipin niya na nagkapatong-patong na ‘yong tartar dahil sa hindi yata naglili–Shit!” Bigla kasi nitong kinudkod ang ngipin nito sa pamamagitan ng hintuturo nito kaya bago pa man siya masuka ay tumakbo na siya papasok sa private room niya at nagkulong siya roon para hindi ito makapasok dito kahit pa ang mama niya. Tanginang buhay ‘to! Kung araw-araw ganito ang mararanasan niya ay baka bumalik na lang siya sa ibang bansa at magliwaliw kahit pa itakwil siya ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD